Matapos ang event sa school, nagyayang umuwi ng bahay si Alexis ang buong akala ko nga sa mansyon didiritso hindi pala kundi sa aming bahay. Karga karga ni Alexis si Alexa, dahil nakatulog na ito dahil sa pagod at kahit nasa loob kami ng sasakyan niya ay nanatiling karga ni Alexis ang anak niya, at hindi niya ito magawang ibigay sa akin kahit na kinukuha ko sa kanya, natuwa ako sa ganoong scene dahil ramdam ko ang pagiging mapagmahal na ama ni Alexis kay Alexa kahit ngayon lang sila nagkita at nagkasama.
"Kukunin ko si Alexa ngayon, ihanda mo na ang mga gamit niya at dadalhin ko na siya sa mansyon," mahinang saad ni Alexis nang ibaba niya si Alexa sa kama at inayos ang pagkakahiga nang makarating kami sa bahay.
"Akala ko ba hindi mo siya kukunin sa akin?" Nanginginig ang boses ko dahil nagbabadya na ang mga luha ko dahil sa biglang disisyon ni Alexis na agad agad kukunin niya si Alexa sa akin.
"Hindi ko siya tuluyang kukunin sa iyo, ang gusto ko lang sa akin siya nakatira at hindi sa maliit na tahanan na ito. Pwede mong hiramin si Alexa pag weekend, at sa loob ng limang araw doon siya mananatili sa mansyon. Pwede ka rin naman dumalaw sa mansyon kung gusto mo, pero hindi ka mananatili doon. Matalino si Alexa, ikaw na rin may sabi niyan, kaya mamaya pag gising niya sasabihin na natin ang totoong sitwasyon natin. Sana naiintindihan mo ako Nina," paliwanag ni Alexis.
Napalunok ako ng laway at para bang may nakabarang kung ano sa aking lalamunan dahil sa paliwanag ni Alexis at hindi ako makapagsalita.
"Hindi ko pababayaan ang anak ko, kaya huwag kang mag alala pa," dugtong ni Alexis.
"Anong sasabihin natin kay Alexa? Anong eku-kwento natin sa kanya? Na nabuo lang siya sa isang maling pagkakataon. Hindi ito ang pinangarap kong buhay para sa kanya Alexis," mahinang saad ko habang nakatungo.
"Tsskkk.. Hanggang ngayon umaasa ka pa rin sa akin? Sa tingin mo dahil nagkaanak tayo bubuo na tayo ng parang totoong pamilya? F*ck!! Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na maging asawa ka, ina ka lang ni Alexa at hanggang doon na lang ang papel mo kaya huwag kang mangarap na dadalhin kita sa mansyon at ituturing na asawa."
Napatulala ako sa diritsahang saad ni Alexis walang kasing sakit ang mga katagang binitawan niya sa akin kaya ang kaninang nagbabadyang luha ay tuluyan ng tumulo buhat sa dalawang mata ko.
"Ang sakit mo magsalita, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang, maayos ang pagkukwento natin kung paano tayo nagkakilala, at paano tayo dapat magiging magulang sa kanya kahit hindi tayo magsasama sa iisang bubong. Huwag kang mag alala Alexis, dahil never din sumagi sa isip ko ang makasama kang muli, matagal na panahon na mula ng nawalan ka ng puwang sa puso ko." Agad akong tumalikod kay Alexis, at pinunasan ang aking mga luha sa pisngi.
Hindi ko na narinig pang tumugon si Alexis buhat ng tumalikod ako at agad inayos ang mga ilang gamit ni Alexa, matapos ko siyang sagutin sa masakit na pananalita niya. Nararamdaman ko na nasa likuran ko pa rin si Alexis, kaya tinatagan ko ang aking pagkakatayo at pinakitang okey lang ako at hindi naaapektuhan sa kanyang mga sinabi.
"Mommy.. Anong ginagawa mo? Bakit mo inaayos ang mga gamit ko, aalis ba tayo?"
Napalingon ako kay Alexa ng marinig ko ang boses nito.
"Ikaw lang anak, sasama ka na kasi kay daddy doon ka na titira sa kanya. Don't worry baby, uuwi ka naman dito pag weekend eh." Hinaplos ko ang pisngi ni Alexa, at hindi ko alam kung tama ba ang bungad na saad ko pagkagising niya.
"Hindi ko po maintindihan." Kumunot ang noo ni Alexa.
"Ganito kasi baby, your mommy and I hindi na pwedeng magsama kaya magkahiwalay kami ng house. Pero don't worry, dahil mahal na mahal ka namin at sisiguraduhin na magiging maayos ang buhay mo, pagmalaki ka na maiintindihan mo rin kami kung bakit hindi tayo pwedeng magsama sama do you understand?" Kinuha ni Alexis ang kamay ni Alexa.
"No!! Hindi ko maintindihan.. I want mommy, ayaw ko na wala siya lagi sa tabi ko."
Yumakap ng mahigpit si Alexa sa akin habang umiiyak kaya napaiyak na rin ako dahil naaawa ako sa anak ko.
"Sumama ka na muna Nina, at doon na tayo mag uusap ng maayos sa mansyon," saad ni Alexis saka ito lumabas ng aming silid.
Sinunod ko si Alexis, wala akong kahit isang damit na dala at mga gamit lang ni Alexa ang bitbit ko habang hawak hawak ko si Alexa pasakay ng kotse. Naging tahimik ang aming paglalakbay patungo sa mansyon ni Alexis, nagtaka pa nga ako dahil hindi iyon ang daan patungo sa mansyon ni Alexis, ngayon naiintindihan ko na dahil may iba pa pa lang pag aaring mansyon si Alexis bukod sa dating mansyon na pag aari nilang magkapatid nang makarating kami sa mansyon.
"Come here Alexa." Kinuha naman ni Alexis si Alexa sa akin at agad kinarga papasok sa loob ng mansyon.
"Manang.. Kayo po ba iyan?" tanong ko sa isang katulong na sumalubong sa amin.
"Nina!? Nina ikaw nga!!" Napayakap ng mahigpit si manang Jing sa akin ng makilala ako. Isa si manang Jing, sa nakasama ko sa dating mansyon nang naging katulong pa ako ng magkapatid at sobrang natuwa ako ng nanatili pa rin ito sa paglilingkod kay Alexis, dahil ngayon mapapanatag ang loob ko na kilala ko ang isa sa paglilingkod sa anak ko.
"Manang naayos na ba ang isang silid na pinaayos ko sa inyo?" Nakakunot ang noong tanong ni Alexis.
"Opo sir, pasensya na po at natuwa lang ako na naririto ngayon si Nina. Sir, iyan na po ba ang sinasabi n'yong anak?" tanong ni manang Jing.
Tumango lang si Alexis, at nanatili ang kunot sa noo nito.
"Akina ang mga gamit ng bata at aayusin ko na sa kwarto niya."
Inabot ko ang ilang gamit ni Alexa kay manang Jing.
"Anak, dito ka muna ha titingnan ko muna ang magiging kwarto mo okey?" Pinisil ko ang pisngi ni Alexa.
Tumango tango naman ito habang nakahawak ang kamay kay Alexis.
Napalaki naman ang mata ni manang Jing at ramdam kong hindi ito makapaniwala dahil ako pala ang ina ng anak ni Alexis.
"Manang tayo na." Pagyaya ko kay manang Jing.
"Nina, sorry ma'am Nina. Ibig sabihin nagka anak kayo ni sir Alexis at iyong bata na bitbit niya?" agad na tanong ni manang Jing nang makapasok kami sa loob ng kwarto.
"Huwag mo po akong tawaging ma'am manang Jing, hindi mo naman ako boss eh. Tama po kayo, nagkaanak po sa akin si Alexis at dahil ito noong panahon na malaki pa ang pagkakagusto ko kay Alexis doon sa kabilang mansyon. Matagal na panahon din na umiwas at nagtago ako kay Alexis, at ngayon muli kaming nagkatagpo alam ko na mangyayari ito ang kukunin niya sa akin si Alexa. Manang, pwede po bang makiusap sa inyo? Huwag n'yong pababayaan ang anak ko ha?"
Iniisip ko pa lang na iiwan ko sa lugar na ito ang anak ko sobrang kalungkutan na ang aking nararamdaman.
"Hindi ka pala mananatili dito? Sayang naman kung hindi pala kayo magkakaayos dahil sa may anak na kayo. Huwag kang mag alala dahil hinding hindi ko pababayan ang anak n'yo, sayang sana dalawa na sila kung hindi lang impakta ang babaeng kinakasama ni sir Alexis."
"Anong ibig n'yong sabihin manang? May kinakasamang ng babae si Alexis?" Napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon kay manang Jing.
"Hindi mo alam? Si Aliyah, ilang buwan ng wala iyon dito sa mansyon nasa ibang bansa raw, pero duda ako dahil parang pinaalis na ni sir Alexis dahil nalaman nitong nagpalaglag ito ng sanggol. Hayys... Awang awa nga ako doon eh, asang asa siya na magkakaanak na siya at magiging tatay na pero hindi rin pala dahil itong babaeng impakta ayaw pa raw magka anak kaya pinalaglag. Akala ko nga noong una na sinabi niya sa akin na may batang titira dito na anak niya eh nag ampon siya ng bata upang maibsan ang kalungkutan at tuwang tuwa ako iha, dahil totoo pa lang may anak siya at sa iyo pa."
Hindi ako nakatugon sa kwentong sinabi ni manang Jing, hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nangyari kay Alexis ngayon alam ko na kung bakit malungkot ito nang mga panahon na nagkakasama kami sa bar. Hindi na natuloy ang pagkukwentuhan namin ni manang Jing, dahil pinatawag ako ni Alexis sa isa niyang tauhan dahil mag uusap raw kami. Alam ko na kung tungkol saan ang pag uusapan namin kaya agad akong sumunod sa tauhan ni Alexis.
Naratnan ko si Alexis na nakatanaw kay Alexa habang masigla itong naglalaro sa malawak na garden.
"Hintayin ko munang makatulog si Alexa bago ako umalis, Alexis sana huwag mong pabayaan si Alexa. Aasahan ko na magkaroon ka lagi ng oras sa kanya kahit busy ka sa trabaho mo."
Matagal bago tumugon si Alexis, at paulit ulit itong sumimsim ng alak.
"Anak ko siya, kaya makakaasa ka na hindi ko siya pababayaan."
Magsasalita pa sana ako, at tutugon sa sinasabi ni Alexis ng mapansin ako ni Alexa at agad itong kumaway at gusto akong lumapit sa kanya. Kaya agad akong lumapit sa anak ko, at masayang nakikipag laro.