18-engkwentro -

1507 Words
*Alexis pov.* Naikuyom ko ang aking kamao nang malaman ko kung sino ang bumaril sa aming sasakyan habang patungo kami sa eskwelahan ni Alexa, hayop na Mr. Lutero, hanggang ngayon pinagtatangkaan niya pa rin ang buhay ko malas lang niya dahil kahit anong pagtatangka niya hindi niya ako magawang patumbahin. Hindi ito ang unang beses na pinagbabaril niya ang sasakyan ko, pero dahil matalino ako hindi ako basta basta magdadala ng sasakyan na tinatablan ng bala. Kilala na ang organisasyon na hawak ko, dahil sa pagsasanib ng pwersa namin ng dating organisasyon na hinahawakan ng ama ni Stella, na ngayon ang kapatid niyang Calistopher na ang nagma-manage. Agad akong nagpa imbistiga, at ayon nga sa source ko si Mr. Lutero ang may kagagawan. "Boss handa na po ang lahat, kayo na lang po ang hinihintay namin," saad ng isang tauhan ko nang pumasok ito sa maliit kong opisina. Susugurin namin ang cota ni Mr. Lutero, dahil ako iyong tipo ng tao na hindi papayag na papatalo. Lintik lang ang walang ganti, sabi nga nila tapos tinaon pa nilang pagtangkaan ang buhay naroroon ang anak ko, kaya ngayon oras na magharap kami ni Mr. Lutero sisiguraduhin kong hindi na sila makakahawak muli ng baril. "Mauna na kayo sa kotse, susunod ako." Gusto kong ipaalam muna kay Nina na aalis ako kaya minabuti kong mag paalam sa kanya bago ako sumabak sa gyera. "Ohhh... May lakad ka?" nakakunot noong tanong sa akin ni Nina at napatitig pa ito sa baril na nakasuksok sa tagiliran ko. "Oo, tatapusin ko lang ang gusot na ginawa ng gustong gumulo sa bahay ko, maging sa anak ko. Ikaw na bahala kay Alexa, babalik din ako agad. Tawagan mo ako kung sakaling may problema." Binigyan ko ng bagong cellphone si Nina at naka save doon ang aking personal na numero. "Mag ingat ka, sana makabalik kang walang ano mang problema," saad ni Nina. Tumango ako, at napangiti sa simpleng habilin ni Nina. Simple lang iyon, pero malaki ang impak sa akin. Ewan ko ba, simula noong narinig ko na umiiyak siya dahil sa akin dahil wala pa rin nagbago sa paghanga niya sa akin nag iba ang pagtingin at nararamdaman ko sa kanya, para bang may espasyo na siya sa puso ko na akala ko noong una awa lang pero hindi eh, dahil gusto ko lagi siyang nasa tabi ko. Nang makaalis kami ng ilang mga tauhan ko, nagkaroon ako ng determinasyon na mapabagsak ang grupo ni Mr. Lutero dahil gusto ko maging malaya muli ang bawat kilos namin lalo na ni Alexa, ayaw ko naman na lumaki ang anak ko sa magulong sitwasyon. "Boss.. Masyadong maraming tauhan ang nagkalat sa paligid, kakayanin ba natin sila? Mukhang alam ni Mr. Lutero na gaganti kaya ayan pinaghandaan nila," bulong ng isang tauhan ko nang makalapit sa akin. "Tawagan mo si Calistopher, sabihin mo kailangan natin ng back up niya soon as posible. Doon kami dadaan sa likod, kapag napatumba na natin si Mr. Lutero, tiyak madali na lang natin mapatiklop ang mga tauhan nila," saad ko sa tauhan na pinagkakatiwalaan ko. Kahit marami ang tauhan na nagkalat sa paligid, hindi man lang ako kinakabahan dahil alam kong kayang kaya ko sila. Humingi ako ng back up, dahil ayaw kong malagasan ng tauhan. Dahan dahan naming pinasok ang likuran ng mansyon ni Mr. Lutero, at maya maya pa kumilos na rin ang mga tauhan ko sa harap nagkaroon ng tatlong putok sa harapan ng mansyon kaya naging alerto ang lahat ng tauhan, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pumasok sa likuran dahil karamihan ng mga tauhan ay pumunta sa harapan ng mansyon. "Mr. Lutero!!" Agad kong tinutukan ang matandang kaaway ko na nakasuksok ito sa kaniyang kwarto at walang hiya parang baklang nilalang na nagtatago sa saya ng mga babae niya. "Noong una sa pagtatangka mo sa buhay ko, napagbigyan pa kita dahil sa kabobohan mo na ipatumba ako tauhan mo ang napatumba. Ngayon, hindi ko na palalampasin ang kapangahasan mo dahil nadamay mo na ang pamilya ko," madiin na saad ko habang nakatutok ang baril sa matanda. "Warning shots lang ang ginawa ko sa iyo at wala naman talaga akong balak ipapatay ka Mr. Santiago, at saka hindi ko rin naman alam na naroroon sa kotse mo ang pamilya mo. Gusto ko lang naman iparating sa iyo na huwag mong agawin ang mga parokyano ko," tanging tugon ni Mr. Lutero. "Tang *na!! Warning shots dalawang beses? Bobo ka lang talaga mag plano, saka huwag mong iparating sa akin na nang aagaw ako ng parokyano sa illegal na gawain natin dahil mga kustumer mo ang kusang lumapit sa akin. Paano ba iyan, sa akin walang warning warning shots dahil hindi ako nag aaksaya ng oras." Nang babarilin ko na ang si Mr. Lutero, pinangsanga nito ang mga babae kaya agad siyang nakatakas at tumalon sa bintana. Kamalas malasan nga naman, hindi ako natamaan ng bala pero hindi naligtas ang aking balikat sa bubog na naka usli ayon, naramdaman ko tuloy ang dugong umagos sa balikat ko. Hindi ko ininda ang sugat sa balikat ko at mabilis na sinundan ang matanda na nakorner naman ni Calistopher kaya taranta itong hindi maintindihan kung saan pupunta. "Are you okey kuya?" tanong sa akin ni Calistopher nang makita niyang may dugo sa akin balikat. "Yahhh.." Hindi na ako nagpaligiw ligiw pa agad kong pinagbabaril ang walang kalaban laban na matanda sa harap namin. "Boring naman, akala ko naman pagpapawisan ako sa laban na ito hindi ko nga nagawang palitan ang magasin ko," pagmamayabang naman ni Calistopher. "Boring? Ayan, linisin mo ang kalat na ito," tugon ko kay Calistopher. Napakamot tuloy ng ulo si Calistopher dahil sa utos ko. Nakaramdam ako ng kirot sa aking balikat, mukha yatang malalim ang sugat nito. "Boss.. Isa lang nasawi sa tauhan natin, at naasikaso ko na po ang kanyang bangkay upang madala sa pamilya. Inayos ko na rin po ang dapat na ibibigay sa pamilya, boss okey ka lang po ba?" saad ng tauhan ko. "Oo okey lang ako salamat," agad na tanong ko. Pagkarating namin sa mansyon, natuwa ako ng sinalubong kami ni Nina, at napakunot pa ang noo nito ng makitang dumudugo ang balikat ko. "May tama ka?" tanong agad nito at bakas sa mukha nito ang pag aalala. Umiling ako at ngumiti. "Ito kasing si boss, hindi nga natamaan ng bala sa engkwentro pero sumabit sa naka usling bubog, kakatingin siguro nito sa mga babaeng kasama ni Mr. Lutero," saad ng tauhan ko. "Umalis ka na nga! Dami alam." pagsaway ko sa abnoy kong tauhan. Kasama ko nga pala ito sa paghabol kay Mr. Lutero. Kitang kita ko tuloy ang pag iba ng mood ni Nina. "Sumunod ka sa akin, gagamutin natin iyang sugat mo." Sumunod ako kay Nina na pumasok sa isang kwarto at doon ginamot ang sugat ko, medyo malalim nga ang sugat kaya pala ramdam ko ang kirot. Pinagmamasdan ko ng mabuti si Nina, mahusay itong gumamot ng sugat at mag alaga, mukhang hindi pa nito nalilimutan ang kan'yang naging trabaho dati sa mansyon noong panahon na kasama pa namin siya ni Jacob. "Bakit ganyan ka makatingin?" kumunot ang noo nito nang nakitang nakatitig ako sa kanya. "Wala naman, salamat. Mukhang gagaling agad itong sugat dahil ikaw ang nag aalaga," nakangiting tugon ko. "Talaga lang ha, akala mo naman ngayon ko siya naalagaan. Ay oo nga pala may amnesya ka nga pala dati noong inalagaan kita, mas malala iyon dahil muntik ka nang mamatay," pakukwento ni Nina habang nakangiti. "Natatandaan mo pa pala iyon? Kung nagkataon pala na hindi bumalik ang ala-ala ko nun, baka naging asawa talaga kita at pinakasalan," seryosong saad ko. "Naku... Malabo, eh kahit may amnesya ka nun si Stella pa rin gusto mo at hindi ako. Mabuti na lang ano, at naka move on ka na kay Stella," seryosong tugon din nito. "Ewan ko nga, basta nagising na lang ako na hindi ko na siya gusto. Ouchh!! Dahan dahan naman mukhang may galit ka pa sa akin ah." Pag daing ko ng bahagya niyang diniinan ang sugat ko. "Sorry po.. Ipahinga mo iyang katawan mo ha, ito bottle water inumin mo itong gamot para hindi ka lagnatin. Matulog ka na, para naman pag gising mo magaling ka na." Inabot sa akin ni Nina ang bottle water at gamot. "Akala ko pag gising ko ikaw na gusto ko," muling hirit ko kay Nina. Hindi tumugon si Nina at inirapan niya lang ako ng mata pero bakas sa bakas sa mukha nito ang pamumula saka iniwan ako sa silid na iyon. Masaya ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit at iyon na lang muna ang iisipin ko sa ngayon ang kasiyahan na nararamdaman ko pag kasama ko si Nina lalo na ang anak ko. Bago ako umalis kanina, nag utos ako sa tauhan ko na hanapin si Aliyah sa ibang bansa ngunit hanggang ngayon wala pa rin balita kaya hinayaan ko na lang kung ayaw pa rin akong kausapin ni Aliyah, ang mahalaga sa akin ngayon si Alexa, at oo aaminin ko si maging si Nina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD