"Nina pov."
"Mommy... Bakit ang seryuso mo?"
Nagulat ako ng bahagya dahil sa tapik ni Alexa sa akin.
"Wala anak, medyo may iniisip lang ako," tugon ko kay Alexa.
Nasa sasakyan kaming tatlo patungo sa paaralan ni Alexa, request kasi nito na kami ang maghatid. Mula pa kagabi nawawala na ako sa aking sarili dahil bumabalik balik sa isip ko ang mga huling sinabi ni Alexis, okey ang trato sa akin ni Alexis kaninang umaga at natuwa naman ako doon okey nga iyon dahil ibig sabihin magiging okey ang relasyon namin bilang magulang ni Alexa.
"Alexa anak, may sasabihin pala si mommy sa iyo," saad ko kay Alexa dahil napatingin sa akin si Alexis.
"Yes mommy?" Ang cute talaga ng anak ko, dahil nakangiti pa ito ng tumingin sa akin.
"Ahmm.. Mamaya mag wowork ulit si mommy ha, kaya tomorrow na ulit tayo magkakasama dahil sa house pa rin naman ako ng daddy mo uuwi ako eh," saad ko habang hinahaplos haplos ang pisngi ni Alexa.
"Katulad pa rin tayo ng dati mommy? It's okey po basta palagi pa rin kitang makikita. Always take care sa work mo mommy ha, love you." Katulad ng dati yumayakap ito sa akin at paliliguan ako ng halik sa pisngi.
"Thank you so much... Sweet talaga ng baby ko, ikaw enjoy your study ha." Hinagkan ko si Alexa ng mahigpit sa labi nito.
Nakikita kong napapangiti si Alexis sa mirror ng tumitingin sa amin, kami lang kasing tatlo sa loob ng sasakyan nito nasa back side kaming upuan habang siya ay nagmamaneho.
Pagkarating naman sa paaralan todo ngiti at kaway si Alexa sa kan'yang mga kaklase yung tipong sayang saya siya at nagmamalaking inihatid siya ng kanyang mama at papa sa school.
"Daddy.. Hindi mo ba ako e-ki-kiss?" hirit sa ama nito pagkababa ng sasakyan.
"Sinong may sabing hindi?" Ngumisi si Alexis at agad binuhat si Alexa at pinaliguan ng halik sa pisngi at noo si Alexa at tuwang tuwa naman ang bata.
Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mag ama dahil nakaramdam ko ang kasiyahan sa aking puso.
Itong ito ang minsan na pinangarap ko, na sana buo kaming pamilya sabay maghahatid sa school sa anak at ipapakita sa lahat ang pagmamahalan ng buong pamilya. Pero sa sitwasyon namin ni Alexis, mukhang malabo na iyon mangyari dahil may babae na itong gustong makasama sa habang buhay at hindi ako iyon kaya agad napawi ang ngiti ko.
Kumaway kaway muli si Alexa bago ito tuluyang pumasok sa kanyang silid. Sinabi ko kay Alexis, na pwede na siya umalis at tutungo naman ako sa aming bahay dahil kukunin ko ang ilang mga gamit na naiwan namin at pwede naman akong mag taxi, pero nag recommend siyang sasamahan na raw niya ako kaya hindi na ako tumanggi pa.
Mabilis kaming nakarating sa bahay, at dahil walang tao sa bahay bigla tuloy akong nalungkot dahil na mimis kong tumira dito.
"Nina.."
Napalingon ako kay Alexis sa pagtawag nito sa pangalan ko. Habang inaayos at inilalagay sa ilang mga box.
"Yes?" tugon ko.
"Mabuti walang nag tangkang nanligaw sa iyo? Di sana iyon ang kinikilalang tatay ng anak ko?"
Napakunot ang noo ko, hindi ko inaaasahan na itatanong iyon sa akin ni Alexis.
"Mayroon naman, kaso iniisip ko si Alexa kasi ayaw ko rin naman na lumalaki siyang ibang ama ang kagigisnan niya. Saka wala sa isip ko ang pansariling kasiyahan ko, gusto ko lang maibigay ko ng maayos na buhay sa anak si Alexa," mabilis na tugon ko.
"Napaka matured mo talaga mag isip ano? Ahmm.. Thank you, kasi napalaki mo ng maayos si Alexa. Habang pinagmamasdan ko nga kayo kanina, lihim akong nagpapasalamat dahil naging okey ang buhay na kinagisnan ni Alexa. Sabi ko nga sa sarili ko, mabuti na rin pala na hindi mo pinaalam sa akin na nagkaanak ako sa iyo dahil kong noong mga panahon na nalaman ko nadamay kayo sa magulong sitwasyon namin," saad ni Alexis.
Hindi ako tumugon, at napangiti na lang ako. Natutuwa ako ngayon sa pinapakitang ugali ni Alexis, dahil ito iyong Alexis na gusto ko.
"Hoping iyong fiance mo mamahalin si Alexa tulad ng pagmamahal ko," hindi ko alam bakit nasabi ko iyon pero iyon kasi talaga ang laman ng isip ko.
"Oo naman. Mabait si Aliyah, parang ikaw may sweetness na tinataglay. Sana nga lang magkasundo kayo, at naniniwala ako doon dahil alam kong mabuti kang tao saka hindi ka naman na hahabol sa akin diba? Wala ng feelings?" natatawang saad ni Alexis.
"Wow ha? Mayabang ka pa rin pala talaga hanggang ngayon, walang pagbabago. Oo naman, expired na iyong pagiging patay na patay ko sa iyo alam mo pag naiisip ko nga iyon ngayon, hayss... Mapapasabi na lang ako, ohh no.. Bakit ba nagustuhan ko ang lalaking ito?" Nilalagyan ko pa ng action na kunwaring nadidiri ako kay Alexis.
Si Alexis naman tawang tawa sa reaksyon ko.
"Mabuti naman kung ganoon." Tinapik pa ako ni Alexis habang hindi mawala wala ang ngiti nito.
"Siyangapala Alexis, paano mo nga pala ako nakilala? For sure pina imbistigahan mo ako ano?" seryusong tanong ko kay Alexis.
"Oo, para masiguro ko na ikaw ba talaga iyan? The night first i meet you, naramdaman ko na na ikaw iyon kaya ayon nagpa imbistiga agad ako sa background mo," tugon ni Alexis.
"Talaga ba? Noong first night na nagkita tayo nakilala mo na agad ako? Imposible naman." Natawa ako sa sinabi ni Alexis.
"Oo naman, mahabang panahon din tayong nagkakilala. Remember mula pagkabata kilala na kita, i remember your voice, your eyes, and lips kaya kahit takpan mo ng maskara ang mukha mo alam kong ikaw iyan. Sige dito na muna ako sa labas," saad ni Alexis at tina pik tapik pa ako sa aking balikat.
Natulala naman ako sa sinabi ni Alexis, ibig sabihin noong huling kiss niya sa labi ko alam na niya na ako iyon? Ohh no... s**t!! Napamura ako ng tahimik sa isip ko habang pinagmamasdan ang papalayong si Alexis sa tabi ko. Nagkaroon tuloy ako ng hiya sa sarili ko.