Chapter XIII: Kennedy's Solution

1042 Words
"Thank you Dr. Carters for this," sabi ni Dr. Belle nang iabot ni Kennedy ang nakapagpapagaling sa mga nakararanas ng pamumula dala ng mga infected earthworms. "No need to thank me doctors, the news about the infected earthworms is all over the world, telling that my grandson caused this. So it is our family's responsibility to end this. I just don't know why'd you let my grandson leave. Is it because you think my grandson has nothing to do to help you?" seryosong sabi ni Kennedy. "Dr. Carters...I think your grandson is a real hard-headed kid. Kusa siyang umalis. Matalino siya dahil natakasan niya kami, hindi na ho namin kasalanan na ginusto niyang bumalik sa bayan ninyo para balikan marahil ang ama niya," singit ni Dr. James. "Dad, kailangan nating sundan si Harvey doon. Ano't ano man, hindi natin sila maaring pabayaan ng ama niya," singit ni Alpha "Yes of course Alpha. We will find my grandson and my only son," sagot ni Kennedy. Nagkatinginan ang mga doktor na naroon. Alam nilang malabong makabalik pa sa Sta. Rama ang dalawa. "Ano pa ba ang magagawa ninyo pag bumalik man kayo doon?" tanong ni Dr. Fernan. "Wala. Pero naroon ang anak at asawa ko. Sapat na dahilan para balikan sila at ialis sa Sta. Rama," matatag na sabi ni Alpha "May laban ba kayo sa mga-" "Meron, if ever," putol ni Alpha. Nagtatanong ang mga mata ng mga doktor na kaharap nila. "Harvey told us that heat can kill the earthworms, especially heat from the sun. Kahit pinakuluang tubig ay namamatay din daw ang mga infected earthworms," paliwanag ni Alpha. Muling nagkatinginan ang mga doktor. Nang umalis na ang dalawa para bumalik sa Sta. Rama ay may tinawagan agad si Dr. James. Ipinaalam nito sa mga nakatataas ang sinabi ni Alpha. Nakarating iyon sa presidente, at nang mga oras na iyon ay pinoproblema rin pala nila na ano mang oras ay maaari pa ring makalabas sa Sta. Rama ang mga infected earthworm. Pinangangambahan kasi nila ang katotohanang makakagapang ang mga earthworms sa ginawang pader na nakapalibot sa bayan ng Sta. Rama. Sa ganoong paraan, makakatawid ang mga infected earthworms paalis sa Sta. Rama at doon na magsisimulang manganib ang sangkatauhan. Pero dahil sa balitang natanggap nila, na nanggaling daw mismo sa batang may kagagawan ng lahat, agad nagka ideya ang mga ito. Agad nag-utos ang presidente. At ngayon nga, dumating ang mga inutusan sa labas ng Sta. Rama kung saan pader na lang ang nakikita nila. Sobrang taas ng pader na hindi nga naman basta-basta maaakyat ng mga tao. At inumpisahan nilang gawin ang ipinag-utos ng presidente. Mula sa pader, sumukat sila ng mga sampung metro palayo sa pader, at doon ay naglagay silang muli ng mga thirty feet ang taas na pader na pumalibot muli sa pader na nakapalibot naman sa Sta. Rama. Mas mataas pa rin dito ang unang pader na ginawa nila na nakapalibot sa bayan ng Sta. Rama. Nilagyan nila ng tubig at sa pamamagitan ng mga kaalaman pa nila, gumawa sila ng paraan para mapakulo ang tubig na inilagay nila doon. Sa ganoong paraan, umakyat man ang mga infected earthworms sa pader na nakapalibot sa Sta. Rama, sa kumukulong tubig naman ang babagsakan ng mga ito. Samantala, sa loob ng bayan ng Sta. Rama ay naipon ang mga tao at nagmamadaling nagpunta sa terminal papuntang ibang bayan at sa Maynila. Nakita nilang nag-aalisan na rin ang mga mangilan-ngilang bus, kanya-kanyang akyatan sila kahit pa punuan na. Ang iba ay naglakad na lang dahil wala na talaga silang masakyan. May mga umakyat na rin sa tuktok ng bus. Pero laking gulat nila nang makita ang pader na nakaharang. Umikot sila upang dumaan sa iba pang maaring labasan. Nguni't napagtanto nilang napapalibutan na pala ng sobrang tataas na pader ang Sta. Rama. Nagbabaan ang mga tao at may mga napamura nang mapagtanto nilang parang ikinulong na sila doon. "Mga walanghiya sila! Bakit nila ito ginawa! Tao rin tayo! Karapatan din nating mabuhay! Mga hayooopppp!" sigaw ng isang lalaki sa pader na naroon. May mga sumuntok at sumipa sa pader dahil sa galit. May mga nag-iiyakan. Pati mga bata ay takot na takot ding nag-iiyakan. Napag-alaman din nila na wala na silang kahit anong equipment na maaaring magamit para sirain ang pader. Kung maliliit na kagamitan lang at sasabihing titiyagain nila itong butasan, mahihirapan sila lalo pa at triple-triple ang kapal ng pader na iyon. Sa labas naman ng Sta. Rama, napababa sina Alpha at Kennedy nang mapagtanto ang pader na nakaharang sa daraanan nila pa Sta. Rama. "What's the meaning of this?" ang galit na mukha ni Kennedy. "Sir, pasensya na po. Utos po ng presidente para wala na raw pong madamay pa na iba," sagot ng isang sundalo na naroon. May mga sundalo at pulis na rin kasing itinalaga doon para magbantay. Nakapalibot din ang mga ito sa huling pader na ginawa kung saan may kumukulong tubig. Sakali daw kasi,ay baka may mga makalusot paring infected earthworms kaya pinagbantay sila. Nakahanda ang mga b***l nila sakaling may makalusot na infected earthworms. "You b***h!" Namumula sa galit na kinwelyuhan ni Kennedy ang nasabing sundalo. "People in Sta. Rama are still people!" bulyaw niya dito habang si Alpha ay tutop ang bibig at umiiyak sa katotohanang nasa loob ng Sta. Rama ang anak at asawa. "Sir, pasensya na po. Lahat ng presidente, sila po ang nag usap-usap at napagkasunduan ang ganitong plano," depensa ng sundalo na tuwid na tuwid pa rin kahit hawak-hawak ni Kennedy ang k'welyo ng uniporme nito. "Then bullshit with those presidents! Are they thinking that the people of Sta. Rama are preys of the infected earthworms?!! How would they, or how would you feel if one of your relatives or love ones are there?!! You idiot! You are the real infected animal!" halos lumuwa na ang mga mata ni Kennedy sa galit. "Sir, my mom...is in there..." sagot ng sundalo at biglang pumatak ang luha nito sa kabila ng katatagang ipinapakita. Napatikom ang bibig ni Kennedy at pabalyang binitiwan ang sundalo. "You are as infected as the earthworm, you let the presidents infect you even if you know that your mother will suffer and worst, die," nanghihinang turan ni Kennedy at tiningala ang sobrang taas na pader.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD