Chapter IX: Bigger Earthworms

1057 Words
Binilisan ni Alpha ang pagtakbo. At nang mapadaan ito sa bangin kung saan aksidenteng nahulog noon ang asawang si Gerardo ay dumukwang siya rito. Alam niya namang malabong makita niya pa roon si Gerardo dahil ang sabi nito sa kanya ay iikot ito upang makahanap ng mas madaling akyatin. Aalis na sanang muli si Alpha nang may mapansin sa ibaba ng bangin. Ang tsinelas ng asawa niya. Napatutop sa bibig si Alpha. Imposibleng basta na lang iwan ni Gerardo ang tsinelas nito roon kung aksidente lang itong natanggal. Hindi kaya? Iwinaksi ni Alpha sa isipan ang isiping baka may nangyaring hindi maganda sa asawa... Harvey tries to look around his room. Blurred. He looked down on the floor. Kumapa siyang muli. Sa nanlalalabo pa ring paningin ay bahagya siyang kumurap-kurap. Inilibot niyang muli ang paningin at kumapa. Dahil nga malabo, hindi napapansin ni Harvey ang isang earthworm na palapit sa kanya. Palapit nang palapit sa mga paa niya. Nagpatuloy siya sa pagkapa sa salamin niya. At last! Nakapa niya ang hinahanap. He moves really fast to wear his eyeglasses. And there he saw the creepy earthworm crawling towards him. Mabilis na tumayo si Harvey at muling naghalughog. Halos mapatalon sa tuwa ang bata nang makita ang hinahanap. Mabilis siyang bumaba kaagad. Pagkalabas ng bahay nila ay inumpisahan nanaman niya ang pagtakbo. At doon, kapwa sila napatigil ng mommy niyang si Alpha nang magkasalubong sila. "Mommy..." mahinang anas ni Harvey. "Harvey, anak!" sigaw naman ni Alpha na makikita ang tuwa sa mga mata. "Mommy!" sigaw na rin ni Harvey at tinakbo ang ina. Napaluhod si Alpha at niyakap ang anak. "Harvey...ano bang ginagawa mo..." puno ng pag-aalalang sabi ni Alpha. "Mommy...I'm s-sorry...I'm really sorry mom..." hinging paumanhin ni Harvey nang maisip na iyon ang laman ng tanong ng mommy niya. "No, no, that's not what I mean, okay?" sansala naman ni Alpha na hinaplos pa ang likod ng ulo ni Harvey. "ALam kong hindi mo ginusto ang mga nangyari, right?" Yuko ang ulong tumango si Harvey at muling tumingin kay Alpha. "We need to go mom. Here," at ipinakita ni Harvey ang papel kung saan nakasulat ang mga dapat malaman sa pagpuksa sa mga infected earthworms. "Kailangan na po natin itong maibigay sa kanila, para bumalik na po sa normal ang lahat." At sa pagkakataong iyon, sabay na tinakbo ng mag-inang Alpha at Harvey ang daan pabalik ng ospital... Agad na isinagawa ng mga marurunong na tao ang dapat gawin nang ibigay ng mag-ina ang papel. "So, all of this, is just because of a young boy?" tila hindi makapaniwalang sabi ng isa sa mga nag-aasikaso sa mga kemikal na inihahanda nila. "What's important is... ...here it is," giya ng isa sa mga nakahilerang kemikal, "Matatapos na ang problema." "Siguradong pagkatapos na pagkatapos ng mga pangyayaring ito, hindi babalik sa normal ang buhay ng pamilyang iyon," sabi ng kausap. "What? How did you know?" takang tanong ng isa habang inuumpisahan ng pagsama-samahin ang mga kemikal ayon sa nakasulat sa papel na ibinigay nina Harvey. "Dahil marami na ang namatay. Tingin mo ba hindi sila guguluhin at sisisihin panghabang-buhay ng mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay?" "Well, you have a point." Sa balita... "Inaasahan pong matatapos na sa araw na ito ang problemang kinakaharap ng Sta.Rama. Lumitaw na ang taong sinasabing may gawa ng kaguluhang ito, at hindi inaasahan ng lahat na isang bata lamang pala ang pinag-umpisahan ng lahat." At sa telebisyon, malinaw na nakita ng mga tao si Harvey nang maitutok dito ang camera. Kita rin doon na pilit pinapalayo ni Alpha ang camera sa anak niya. Iba-iba nga ang reaksyon ng mga tao. May mga natuwa dahil matatapos na raw ang kaguluhan. May mga nalungkot at marami rin ang mga nagalit sa pamilya ni Harvey. "Ang pamilyang iyan ang tunay na salot! Pagkatapos mawala ng mga infected earthworms na, dapat sila na rin ang isunod!" nagpupuyos ang kalooban ng isa sa mga nakapanood ng balita. "Narito po tayo upang makita ang tuluyang pagkawala ng mga earthworms," ang reporter at itinutok ng cameraman ang camera sa gawi ng mga kalalakihang may makakapal na kasuotan at may hawak na malaking hose na nakadugtong sa isang truck na may malaking tangke. Kitang-kita roon ang paglabas ng likido sa malaking hose, ito ang mga pinagsama-samang kemikal. Deretsong pinatama sa mga nagkalat na earthworms sa isang kalsada. But the next thing that happened... ...freakend the televiewers. Lumaki lang ang mga earthworm na tinamaan ng mga pinagsama-samang kemikal. "Aaahhhh!" napasigaw ang isa sa mga may hawak ng hose nang tila taong tumayo ang katawan ng earthworm. Tumakbo ang mga nakasaksi. Nagkagulo. Kanya-kanyang protekta sa kanilang mga sarili. Ang ilan ay nabagsakan ng mga lumiliyad na earthworm. "Wagggg! Linooo!" sigaw ng isang babae sa asawa nitong nabagsakan ng lumaking earthworm. Nilapitan niya ito at nagawa pa niyang hawakan ang kamay ng asawa na tanging nakalitaw. Bahagya ring gumalaw ang kamay pero maya maya lang ay hindi na ito muling gumalaw. Ang pinakaulo naman ng earthworm ay humampas sa babae. Tumilamsik ang babae sa lakas ng pagkakahampas sa kanya ng ulo ng earthworm na lumaki. Pagtama ng babae sa dingding na naroon, biglang namula pa ang bahagi na tinamaan ng ulo ng earthworm. Bahagya ring umagos ang dugo sa ulo nito na dala marahil ng malakas na pagkakatama niya sa dingding. Ang mukha nitong namula ay parang nagbitak-bitak na nagdugo pa. Lumungayngay ang ulo ng babae tanda na patay na ito. Ang mga nadaganan ng naglalakihang earthworm ay paniguradong patay na rin. Mas naging delikado at mabilis ang epekto ng infection na dala ng malalaking earthworms. Ang mga tila laway sa katawan ng mga earthworms ay nangahulog sa magapangan nila at bawat makaapak dito ay nadudulas at tuluyang napapahiga sa mga naiwanang tila laway. Kahit di kamutin ang pamumula, tulad ng sa babae ay kusang nagbitak-bitak o nagsugat ang balat nilang nadikitan ng tila laway na iyon. Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ng pamilya ni Harvey sa telebisyon. Nasa ospital sila ng mga sandaling iyon. Ang inakala nilang solusyon ay mas nagpalala pa ng sitwasyon... Ang pangyayaring iyon sa Sta.Rama ay nakarating na rin sa iba't-ibang panig ng mundo. May mga dalubhasa na ring sinubukang maghanap ng paraan kung paano malulutas ang problema ng Sta.Rama dahil sa pag-aalangang umabot na rin sa kani-kanilang lugar ang mga infected earthworms na iyon.. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD