Chapter X: Yhanna's Situation

1470 Words
Peaceful surrounding. Temporary. Tila mga kriminal na nagkanya-kanya ng tago o takas ang mga earthworm maging ang mga naglakihang earthworms ay nawala bigla. Tanging ang mga nagkalat na taong pawang wala ng mga buhay ang naroon sa kalsadang iyon. Napuno ng nakakapangilabot na iyakan ang bayan ng Sta. Rama. Kanya-kanyang yakap sila sa mga mahal nila sa buhay na namatay dahil sa mas malaking problemang ibinigay ng mga naglalakihang earthworms. "Ahh.." nakaramdam ng sakit sa balakang ang isang dalaga ng takbuhin nito ang inang namatay dahil sa nadulas at nahigaan nito ang nangahulog na laway ng malaking earthworm kaninang nagkakagulo pa. "Anak!" sigaw naman ng ama ng dalaga na nabahala dahil alam nitong sa sandaling mapadikit sa laway na nanggaling sa malaking earthworm ay mas matindi ang epekto. At sa pagkakabagsak nga ng dalaga, wala pang limang minuto at binawian din ito ng buhay. Tila nawala na rin sa sarili ang ama at tinakbo nito ang mag-ina niyang parehong wala ng buhay. Niyakap niya ang katawan ng mag ina at tulad ng mga ito ay nadikitan na rin siya ng malagkit na likidong naroon. Ilang minuto rin at binawian siya ng buhay na yakap-yakap ang kanyang mag-ina. Marami pang mga tanawin ng mga pamilyang nagluluksa ang tunay ngang makahabag damdamin. Marami pa ring mga tao ang kumilos upang malinis ang kalsadang napuno ng mga bangkay, dugo, at malagkit na likidong iniwan ng mga earthworm. Gumamit sila ng Personal Protective Equipment upang makatiyak na hindi sila mapapadikit sa mga naiwang tila laway sa kabuuan ng mga earthworm. Nilinis nila ang mga bakas gamit ang hose na malaki na tubig lang ang inilalabas. Pinag uusapan na rin ng mga nasa medisina kung ano ang gagawin sa kemikal na pinaghalo halo nila ngayong nalaman nilang mas nagbibigay ito ng problema. Dahil pinapalaki nito ang mga earthworms. Samantala, nagtipon-tipon naman ang mga dalubhasa sa Maynila tulad ng mga doktor, sikat na mga scientist at iba pang mga maaaring makatulong sa problema dahil sila ang halos sunod na sa bayan ng Sta. Rama. Nag alangan ang mga tao dito na baka may makarating na ring mga earthworms sa lugar nila. "So, what can we do now?" si Dr. Basilio na isa rin sa matagal ng naninilbihan sa mga ospital. "Ano pa nga ba? We need to experiment anything that can stop or kill the killer earthworms before they start killing here too. And worst, they will kill every human around the world. Which means, ang mga infected earthworms na iyon na ang mga tuluyang maninirahan dito sa mundo natin," sagot ng isa pang doktor na si Dr. Fernan. "We've done that already pero yung mga ginawa natin before, wala rin nagawa para mapuksa ang mga infected earthworms," sabi ng isa. "Any suggestions?" linga ni Dr. Basilio sa ibang mga naroon. Isang pharmacist na nag doctorate rin. "Well, iyon nga ang p'wede nating magawa sa ngayon. Pero, baka mahirapan din tayo knowing na hindi pangkaraniwan ang hayop na dapat nating mapuksa. Hindi nga ba't wala pa ring nagawa ang mga ginawa natin before? Unless...hihingi tayo ng tulong..." sagot ng isang chemist, si Dr. Belle. "To whom? Andito na tayo lahat. And if your talking about the other doctors or scientist outside the Philippines, I dont think so na tutulong sila agad-agad," sansala ng isa sa mga naroon. "No, hindi sila ang tinutukoy ko. I'm talking about an ordinary--" "Go ahead and just tell us now who? We're running out of time and I think, hindi na tayo dapat ngpapaligoy-ligoy pa dito," wika ng isang matandang scientist na si Dr. James. "Well...I'm just thinking, baka kailnganin natin ang tulong ng taong pinagmulan ng lahat ng ito," sabi ni Dr. Belle. "What? Where is your mind going, Dr. Belle? Alam naman nating lahat na bata ang may kagagawan nito. So ano ang maitutulong niya?" sarkastikong sabi ni Dr. James. Hindi umimik si Dr. Belle. "Well...tingin ko tama si Dr. Belle," si Dr. Fernan ang sumagot. "What??" tila lalong lumalim ang mga peliges sa noo ni Dr. James sa tinuran ni Dr. Fernan. "Ang batang iyon ang my kagagawan ng lahat, the infected earthworm is his' creation. Maaaring ang ibig sabihin ni Dr. Belle, mas mapapadali ang solusyon kung andito ang bata dahil siya talaga ang nakakaalam kung ano ang ginawa niya," sagot ni Dr. Fernan. "So, sinasabi mo bang mas magaling pa sa ating lahat ang batang iyon?" ani James na pinaglipat-lipat ang tingin sa iba pa nilang kasamahan. Doon tumayo si Dr. Belle. "Thank you Dr. Fernan," nakangiti nitong pasasalamat kay Dr. Fernan sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya at saka humarap kay James, "Mas magaling nga siguro sa atin ang bata kasi nakalikha siya ng nakamamatay na earthworm, tama?" sabi nito kay Dr. James. "My point is, if that kid created a monster, then maybe, he can help us kill his own creation, right?" Napatango-tango naman ang mga nandoon. Nang biglang bumukas ang pintuan kung saan sila nag-uusap-usap. Si Dr. Philip. Ang isa sa mga bihasang doktor doon sa Maynila. "My God Dr. Philip, you're giving me a heart attack. I thought a big earthworm just entered this room," nakangiti at tila nagbibirong si Dr. Basilio para mabawasan ang tensiyon sa loob. "I'm sorry Dr. Basilio. Sorry din kung late ako. Narinig ko iyong huling pinag uusapan ninyo. About the kid. Well, kung sa tingin niyo matutulungan tayo ng batang iyon, kailangan na natin siyang kunin. Bago pa mahuli ang lahat," si Dr. Philip. "Why?" Ibinukas lalo ni Philip ang pinto upang ipakita sa mga ito ang nag-iisang tv na nasa itaas ng dingding sa pasilyo. Naglabasan naman ang lahat at tumuon ang pansin nila sa balita. Makikita doon na maraming mga tao sa Sta. Rama ang nagpipilit pumasok sa ospital. "Ilabas niyo ang salot na pamilyang 'yan!" sigaw ng isang lalaki na nagawang batuhin ang glass door ng ospital. Hindi naman agad makapasok ang mga ito dahil marami ring mga staff ng ospital na nakaharang sa entrance ng ospital na iyon. May mga pulis din na pilit itinataboy ang mga tao. "We need to help the family," si Dr. Belle. Agad silang humingi ng tulong sa ilang mga nasa pulutiko upang makagawa ng hakbang sa pagkuha sa ang pamilya ni Harvey sa Sta. Rama. Ilang oras lang at dumating ang isang malaking sasakyan sa ospital ng Sta. Rama. Bumaba ang mga ito. "Inutusan kami para dalhin sa Manila ang pamilya ng bata para sa proteksyon nila. Kakailanganin kasi nila ang tulong o opinyon ng bata para makahanap ng paraan sa problema ninyo," salubong ng isa sa mga doktor na naroon. Tumango ang doktor at agad pumasok ang mga inatasang kumuha kina Harvey. Pagpasok na pagpasok sa ospital ay agad nilang nakita ang pamilya na nakatayo roon habang magkakayakap. Agad silang hinawakan ng mga kalalakihan. "Teka, saan niyo kami dadalhin?" naaalarmang sabi ni Alpha. "Sumama na lang kayo misis, mas ligtas po kayo sa Manila," sagot ng isa. "Maynila? Dadalhin niyo kami sa Maynila? Hindi maaari, ang asawa ko. Kailangang makita muna namin ang asawa ko!" tutol ni Alpha. Wala silang nagawa dahil pilit silang inilabas ng mga ito sa ospital at pilit isinakay habang pinoprotektahan sa mga taong galit na galit at nais manakit sa kanila. Agad dinala sa isang laboratoryo ang mag-iina. Sinalubong sila ng mga doktor. "Anong kailangan niyo sa amin? Pakawalan niyo na kami! Hindi sinasadya ng anak ko ang mga nangyari," umiiyak na sabi ni Alpha na niyakap nang mahigpit si Harvey. "Misis, huminahon kayo. Wala kaming intensiyong masama sa anak ninyo," si Dr. Fernan. Nilapitan naman ni Dr. Belle si Harvey. "Anong pangalan mo?" nakangiti niyang tanong dito. Hindi umimik si Harvey. Siya namang pasok ni Dr. James. "May masamang balita nanaman," bungad nito. "Ano?" "Isa-isa na raw namamatay ang mga nasa ospital ng Sta.Rama na nagkaroon ng pangangati sa katawan. Ibig sabihin, maaari lang magtagal ng ilang araw ang buhay ng nakararanas niyon, pero mamamatay din," paliwanag ni Dr. James. "Hindi..." si Alpha. Napalingon ang lahat dito. Agad hinawakan ni Alpha si Yhanna at pinatalikod ang bata sa mga ito saka ipinakita ang benda sa binti ni Yhanna na nangangahulugang may pamumula doon. "Kailangang makahanap rin tayo ng paraan kung paano mapapagaling ang pamumulang dulot ng infected earthworms," si Dr. Belle. "What? We are supposed to do an experiment or discover anything that could stop the infected earthworms, not to help that kid!" turo ni Dr. James kay Yhanna. "Dr. James, first of all, it is our duty to help sick people. So if you want to do the experiment now, then do it!" singit ni Dr. Basilio na waring nairita na rin sa scientist na si Dr. James. Kumilos agad silang lahat para hanapan ng solusyon kung paano mapapagaling at mailigtas sa kamatayan si Yhanna. Maliban kay Dr. James na tila napahiya sa sinabi ni Dr. Basilio. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD