Chapter XI: Kennedy Carters

1990 Words
Habang inaasikaso ang makapagpapagaling kay Yhanna ay abala naman si Dr. James sa pag-aasikaso kung paano tuluyang mawawala ang mga earthworm. Nasa ganoon silang ayos nang biglang may tumawag sa kanila. Ang taong nagbabantay at nag aasikaso sa pamilya nina Harvey. "Ang bata," naaalarmang sabi nito sa kanila. Mabilis na nagpuntahan ang lahat sa silid kung nasaan sina Harvey maliban kay Dr. James na umiiling-iling lang. Naabutan nila na tila kinukumbulsiyon ang batang si Yhanna. "Doc, tulungan niyo po ang anak ko," umiiyak na sabi ni Alpha. Agad dinaluhan ng mga doktor si Yhanna. Nakita ni Alpha na may itinurok kay Yhanna na nagpakalma sa nanginginig na katawan ng bata. "Doc.." si Alpha. "We can't promise anything Mrs. Carters, alam naman ninyo kung ano ang kinahinatnan ng mga pasyente sa Sta. Rama," si Dr. Fernan. "No...no...no...!" sunod-sunod na iling ni Alpha at nilapitan sa kama si Yhanna. "Susubukan ko iyong nagawa ko kanina, baka sakaling umepekto," si Dr. Belle na nakatitig kay Alpha. Sinubukang iturok nina Dr. Belle sa isang pusa ang sinasabi niyang nagawa niya. Maging ang iba pang maaaring makapag bigay ng ideya sa kanila kung paano pagalingin ang pamumulang dulot ng mga infected earthworms ay sinunukan din nila. Pero bigo pa rin sila. "So, are you guys gonna stop now or what?" si Dr. James. "Mas kailangan nating asikasuhin ang paggawa ng maaring makapuksa sa infected earthworms. We're just wasting our time trying to save the girl. Besides, kasalanan naman iyon ng kapatid niya kung mamatay siya," dere-deretsong sabi ni Dr. James. "Dr. James!" si Dr. Belle. Naroon din kasi si Harvey na isinama na ni Dr. Belle para maumpisahan na rin ang pag eeksperimento kasama ang bata. Malinaw na narinig ni Harvey ang tinuran ng matandang doktor. Mababanaag naman ang pagsisisi sa mga mata ni Harvey. Si Alpha ay nakitawag sa landline na naroon para tumawag sa lolo ng mga bata na nasa Germany, ang tatay ni Gerardo. "Hello, dad..." ang humihikbing boses ni Alpha. "Alpha! I've been trying to call you guys since I heard the news! Where are you? Where are my grandchildren? What happen to Harvey? Is he okay? Are you okay?" sunod-sunod na bungad ni Kennedy Carters kay Alpha. "We left the house...we're here in Manila now...kinuha kami rito ng mga doktor, kailangan daw kasi nila ang tulong ni Harvey," sagot ni Alpha na sumisinghot-singhot. "At least the kids are now safe from the people trying to hurt them especially Harvey...Alpha, tell me what really happened?" ang mababang boses ni Kennedy. Ikin'wento nga ni Alpha kung ano ang nagawa ni Harvey. "Dad...Gerardo's not with us," ang pigil na boses ni Alpha. "What?! Where is he??" napataas ang boses ng matanda sa kabilang linya. "Magkasama naman po kami dapat dad.. nagkaproblema lang talaga, but...but, he told me na babalikan niya kami sa ospital. But until now, hindi pa rin po siya nagpapakita..." umiiyak ng sabi ni Alpha. "My son..." tanging nasabi ng matanda. "Dad...Yhanna's in danger," dugtong ni Alpha. "What?! Why?!" "She's suffering from earthworm's infection, dad...help us. I don't want to lose Yhanna...I can't lose my family," paos na ang boses ni Alpha. "You're not, Alpha. Book a ticket NOW! I'll try my very best to save Yhanna," sagot ni Kennedy. "But, I cant...I can't just leave without Gerardo Dad..." tanggi ni Alpha. "Then just send the kids. They're not safe there. Then if Yhanna's already safe, I'll go back there to help you find Gerardo," pagtatapos ng matanda. Lumipad nga patungong Germany sina Alpha. Pero hindi nila kasama si Harvey. Hindi pinayagang maisama si Harvey lalo pa at sinasabing may pananagutan ang bata sa mga nangyayari. Ihahatid lang ni Alpha ang mga bata at babalik din siya. Babalikan niya ang mag-ama niya. Habang nasa eroplano, hindi maiwasang mag-isip ni Alpha kung nasaan na nga ba ang asawa niya. Buhay pa ba ito? Kasalukuyang napapanood ng mga doktor kasama si Harvey ang isang balita sa bayan ng Sta. Rama. "Patuloy po ang pagkamatay ng ilang mga tao rito sa bayan ng Sta. Rama. At ang sigaw po nila, ay ang matulungan silang lumikas na nang tuluyan upang mas maging ligtas sa mga infected earthworms," ang reporter. "This isn't good..." si Dr. Basilio. "Hindi p'wedeng basta na lang sila lumipat ng ibang bayan o lugar o dito mismo sa atin, tiyak na susundan sila ng mga infected earthworms." "Kailangan nating makausap ang lugar na sunod sa bandang likuran ng Sta.Rama, at sa iba pang lugar na malapit sa kanila. Hindi natin dapat pahintulutang makapunta sila sa ibang lugar dahil nangangahulugan iyon na maaaring makarating na rin sa atin ang mga infected earthworms," si Dr. James. Hindi naman umimik ang iba pa. Samantala, walang kamalay-malay ang mga doktor nang pagsapit nang gabi ay lisanin ni Harvey ang lugar na iyon. Babalik ito ng Sta. Rama. Hahanapin niya ang daddy niya habang hindi pa nakakabalik ang mommy niya. Ayaw niyang ang mommy pa niya ang maghanap sa daddy niya sa Sta. Rama na maaring ikapahamak pa nito. Hindi na siya papayag na matulad pa ang mommy niya sa nangyari kay Yhanna. Dahil sa kagagawan niya, nawawala ang daddy niya at nasa panganib ang kanyang kapatid. Kung meron mang mas dapat mag-suffer sa mga nangyayari, siya iyon at hindi ang pamilya niya. "Hanggang dito na lang po tayo," anunsiyo ng kundoktor ng sinakyang bus ni Harvey. Alas k'watro pa lang ng madaling araw noon. Agad inumpisahan ni Harvey ang paglalakad para makarating sa bayan ng Sta. Rama. Malapit-lapit na rin naman iyon. Hindi na nagpakalayo pa ang bus o mas lumapit man lang sana sa Sta. Rama. Marahil ay sa takot din ng mga ito sa katatakutang nangyayari sa Sta. Rama. Binaybay ni Harvey ang baku-bakong daan. Sa gilid ng daanang iyon may nagtataasang talahib. Halos tirik na ang araw nang marating ni Harvey ang pinakabungad o boundary ng Sta. Rama. Inilabas ni Harvey ang baong tubig na nasa backpack nito. Halos maubos niya ang laman niyon. Naka jacket ng may hood si Harvey at yumuyuko sa tuwing may mga masasalubong na tao. Kailangan niya rin kasing protektahan ang sarili dahil siguradong hindi pa nawawala ang galit ng mga ito sa kanya. Hindi naman kalakihan ang bayan ng Sta. Rama kaya madali na lang para sa kanya ang bumalik sa bahay nila. Doon siya mag-uumpisang maghanap sa ama. Nabanggit noon ng mommy niya na nahulog nga raw sa bangin ang daddy niya kaya maaaring nasa ilalim pa rin ito ng bangin at baka nagpapaikot-ikot lang ito. Natatandaan niyang may bangin din sa likod ng bahay nila kaya doon niya balak bumaba dahil may k'weba doon na litaw ang ulo kaya maaari siyang makababa kung tatalon siya sa nakalitaw na ulo ng kweba para tuluyang makababa. Hanggang makarating si Harvey sa daan kung saan may nakaharang na dalawang sasakyan. Hanggang ngayon din ay nandoon pa rin ang patay ng driver ng mga ito. Marahil ay walang mga medics sa kanila na may lakas ng loob na galawin iyon sa takot na baka magapangan sila ng infected earthworms. Tulad ngayon, naggagapangan ang mga infected earthworms sa sasakyan. Dahan-dahang dumaan si Harvey sa pinakagilid na at iningatang hindi siya madudulas o mahuhulog sa bangin kung saan din nahulog ang daddy niya. Nang makalampas ay tatakbuhin na sana nitong muli ang bahay nila nang bigla itong mapatigil. Isang malaking earthworm ang gumagapang paakyat sa dadaanan niya. Galing ito sa bangin. Ito rin marahil ang isa sa mga earthworm na lumaki noon dahil sa mga pinaghalo-halong kemikal. Bago pa tuluyang maiahon ng earthworm ang katawan mula sa bangin ay mabilis ng tumakbo si Harvey. Subali't laking gulat ni Harvey ng biglang bumilis ang gapang nito at sa isang iglap lang ay nasa harapan niya na ang uluhan nito na tila nakatingin sa kanya. Paglingon niya sa bandang likuran niya ay nandoong nakaharang ang kalahati ng katawan ng earthworm kaya naman wala siyang matatakbuhan. Halos nine feet ang haba ng earthworm na iyon. Pero nagtaka rin siya nang muling umatras palayo sa kanya ang earthworm. Nakita niya nang gumapang ito hanggang sa dalawang nagsalpukang sasakyan. At ang isa pang ipinagtaka niya ay nang tila mga nagkagulo ang mga earthworm maging ang malaking earthworm. Tulad ng nangyari noong araw na lumaki ang mga earthworm, parang mga kriminal na nagmamadaling makababa sa bangin ang mga ito na tila ba may iniiwasan o kinatatakutan. Hindi niya naman masasabing natakot ang mga ito sa malaking earthworm dahil maging ito ay ganoon din ang ginawa. Wala sa sariling napalakad si Harvey palapit sa dalawang sasakyan. Maituturing niya itong malinis na sa kanyang paningin dahil wala na siyang nakikitang earthworms na gumagapang dito. Maliban sa isang umagaw ng atensiyon niya. Tila naipit ang isang earthworm sa nakalaylay na kamay ng patay na tao na nasa labas ng sasakyan. Ang kalahati ng earthworm ay nakalabas habang ang kalahati ay nasa loob ng sasakyan. Pero patay na ito. Naghanap si Harvey ng kahoy na maipanghahawi niya sa kamay ng patay na tao. Nang mahawi niya ang kamay ay nahulog ang earthworm. Nagtaka siya dahil ang nakalitaw kaninang kalahati ng earthworm ay tila tuyong tuyo na at walang madikit na likido sa kalahating iyon. Pero ang kalahati na nadaganan ng kamay ng patay na tao ay parang sa normal na itsura ng infected earthworms. Pero hindi na rin naman gumagalaw ang kalahating iyon na nangangahulugang patay na nga ang earthworm. Pinagmasdang mabuti ni Harvey ang tuyot na kalahati ng earthworm na iyon. Kung iisipin niyang mabuti, hindi ngayon-ngayon lang namatay ang earthworm. Maaaring matagal na itong patay dahil sa pagkakatuyot nito. Napatingala sa kalangitan si Harvey. Tirik na tirik na ang araw. Kung tama ang hinala niya, nag-aalisan ang mga earthworm pag mataas na ang sikat ng araw! Maaaring hindi kinakaya ng mga ito ang init na dala ng araw kaya maaari silang mamatay kapag na-expose sila ng matagal sa init na dala nito. Init. Tama. Matinding init ang maaaring makapuksa sa mga infected earthworms. Samantala, sa ibang parte naman ng Sta. Rama ay makikita ring nagkakanya-kanya ng alis ang mga earthworm sa ilalim ng sikat ng araw. Tila napapaso ang mga ito kaya sila umiiwas sa init ng araw. Nakahinga naman ng maluwag ang mga tao nang makitang nag-aalisan ang mga nagkalat na earthworm. IN GERMANY.... "Alpha," nakangiting salubong ni Kennedy sa kanya habang nagtatanggal ng gloves sa kamay. "Dad, how is she?" tanong agad ni Alpha sa matanda. "Well, worry no more," maluwang na maluwang ang ngiti ni Kennedy ng mga oras na iyon. Tuwang-tuwang napayakap si Alpha rito at saka biglang bumitiw din kaagad. "Dad, I need to go back in Manila. Gerardo and Harvey's still in danger," alalang sabi ni Alpha. "Yes Alpha, you're going back. With me," nakangiti pa rin nitong sabi sa kanya. "I need to share this in there, and the formula on how to make it," itinaas ni Kennedy ang isang lalagyan na babasagin na madalas gamitin sa mga laboratoryo. May laman iyong kulay berde na malapot na likido. "My own experiment that healed Yhanna's reddish skin caused by the infected earthworms." Pagkarating ni Harvey sa bahay nila ay nakita niya agad ang mga nagkalat na earthworms. Dahil sa nadiskubre niya, sinubukan niyang magpainit ng tubig. Pinakulo niya itong mabuti at saka ibinuhos sa ilang earthworms na nandoon. Matagal din bago tuluyang tumigil sa paggalaw ang infected earthworms. Napangiti si Harvey. Simpleng solusyon lang pala na malabong maisip ng mga bihasang doktor o scientist dahil mas focus ang mga ito sa mga kemikal na nasa harapan lang nila. There is only one more problem. There are too many earthworms in Sta. Rama. Paano niya naman ito maiisa-isa lalo na kung nag-aalisan ang mga ito pag putok na ang araw? Does this mean, kailangan niyang malaman kung saan nagpupunta ang mga infected earthworms when the sun is coming out? At may isa pang gumugulo sa isipan ni Harvey. Bakit nga ba siya iniwasan ng malaking earthworm kanina? Hindi man lang siya nito ginalaw... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD