Patuloy naman sa pagtakbo si Merlin. Magkanda tisod-tisod man siya ay hindi niya iyon alintana matakasan lang ang mga humahabol sa kanya. Kabisado ni Merlin ang lugar na iyon lalo pa't siya ang nagpagawa sa underground doon. Mabilis niyang napuntahan ang isang parte doon na alam niyang maaari niyang daanan. Nang makita niya ang munting liwanag ay napatawa siya nang bahagya habang nanlalaki ang mga mata. Makikita sa galaw at itsura nito na tuluyan na siyang nawawala sa sarili. Agad niyang tinakbo ang daanan palabas sa underground na iyon. Nang tuluyan na siyang makalabas ay ginapang niya naman ang bahagyang pataas na daan. Hindi niya rin alintana ang lupang tuluyang kumapit sa katawan niya. Nang makarating na sa ibabaw at mapagtantong nasa patag na ibabaw na siya ng ginawang underground, tu

