"Mr. President, hindi na ho talaga makita si Merlin sa kagubatang iyon." "Itigil niyo na muna ang paghahanap. Ipakalat na lang ang mukha ni Merlin para alam rin ng mga tao." "Sige po, Mr. President." "Ipahanda mo ang sasakyan. May kailangan akong puntahan." Iyon ang usapang maririnig sa labas ng opisina ng presidente. Maya-maya pa ay lumabas na doon ang presidente kasunod ang isa pang lalaki na itim ang kasuotan. Lahat ay malungkot nang araw na iyon. Bakas sa kanila ang pagluluksa habang nakaitim na kasuotan silang lahat. "Gerardo..." tinig ni Alpha mula sa likuran ng asawa. Nasa harapan naman siya ng salamin ng mga sandaling iyon habang inaayos ang kasuotan nito. Nilingon nito ang asawa, "Alpha." Bigla na lamang niyakap ni Alpha ang asawa at rumagasa ang luha sa mga mata nito. Nap

