Agad pinuntahan nina Alpha at Kennedy si Harvey kung saan ito dinala. "We have evidence that Harvey is in Germany in the last three years," Kennedy explained. Nasa isang silid sila kung saan kinakausap nila ang taong may hawak sa kaso ni Harvey. Inabot naman ng lalaki ang mga dokumento, lumang passport at mga ID ni Harvey noong nasa Germany ito. Sinuri naman iyon nang mabuti kung tunay ba lahat. "Kaya ring patunayan ng tutor ng anak ko na si Miss Chloe na araw-araw niyang nakakaharap ang anak ko," sabi naman ni Alpha. Tiningnan siya ng lalaki at ibinaba ang mga ibinigay ni Kennedy. "Paano niyo ipapaliwanag na nakita ang anak ninyo sa Mt. Danayat nang hanapin nila ang mga nawawalang kabataan na nagpunta raw doon?" tanong nito sa kanila. Nagkatinginan muna sina Alpha at Kennedy. "Ala

