"Pasensiya na po talaga Dr. Carters, pero hindi po kayo p'wedeng sumama sa amin," tanggi ng isa sa mga kasamang pupunta sa Mt. Danayat. Wala na ngang nagawa pa sina Alpha at Kennedy sa desisyon ng namumuno sa team na kasama ni Harvey papuntang Danayat. Muling tinignan ni Alpha ang anak nguni't sinsad'ya ni Harvey na 'wag lingunin ang ina nito. Tinanaw na lang nila ang mga ito nang umalis na sila. "Dad, hindi ko maintindihan...hindi ko na alam kung anong nangyayari kay Harvey..." madamdaming sabi ni Alpha. Nagkakapalitan ng tingin ang mga lalaking armado na kasama ni Harvey habang inaakyat nila ang bundok na iyon. Hindi nakatiis ang isa at tumigil ito sa paglalakad at hinarap si Harvey. "Carters! Kanina pa tayo naglalakad dito, tatlong oras na! Malayo pa ba iyong sinasabi mong pinagtag

