Kanina pa tinatanaw ni JenBee ang daan palabas sa lugar na iyon. Tanaw niya ang malawak na katubigan at mga puno na sa kabila kung saan ang daanan para makalabas doon. Lumalalim na ang gabi pero wala pa ang mga kaibigan niya. Ayaw niyang isipin na hindi siya mababalikan ngayon dahil nakakaramdam na rin siya ng pangamba. Tinanaw din niya ang bundok at umaasa pa ring lilitaw na ang iba pa niyang kaibigan na naroon. Ngayon ay parang nagsisisi na talaga siya. Si Georgina nga ang nakaisip ng ganoong plano pero pumayag siya. Kung hindi naman siya pumayag ay hindi naman sila mapupunta dito. Sa kabilang dako ay sinisisi rin niya iyong lalaking nakakita sa kanila. Ang lalaking iyon naman talaga ang dahilan kung bakit nagkanda-loko ang plano nila. Pero kung nakaalis nga sila ng mga kaibigan niya at

