"Nasaan na ba sila?" inip na tanong ni Georgina habang nakatingin sa itaas ng bundok na iyon. "Medyo nagtatagal na nga sila. Tingin ko, kailangan na nating humingi ng tulong," saad ni Ashley. "What?! No!" mariing tanggi ni JenBee. Ayaw nitong may makaalam pa sana hangga't maaari. Natatakot lang naman siya sa naging deal nila ng mommy niya. "JenBee, don't be selfish. Baka nasa panganib na ngayon sina Norlyn kaya kailangan nating gumawa ng paraan," giit ni Georgina. "Oo nga. Mabuti pa humingi na tayo ng tulong. Para makakain na rin tayo," parang nanghihinang sabi naman ni Justin. "JenBee, kailangan mong harapin ang consequence ng ginawa natin...tayo, kailangan nating harapin," ani Ashley na lumapit nang bahagya kay JenBee. Napabuntung-hininga si JenBee. "Ano pa nga bang magagawa ko..

