Chapter XIX: Preparation

1444 Words
Nakaalis nga si Sandoval kasama ang nanay nito. Nagpunta sila sa mga taong pinag-iwanan ni Gerardo ng na eksperimento nitong makakapagpagaling sa sinumang nakararanas ng pamumula sa balat dulot ng mga di pangkaraniwang earthworm. "Ang sabi mo ay nasa loob ng Sta. Rama si Kennedy Carters kasama ang ina ng bata?" untag ni Dr. Belle habang pinapahiran ang kamay ni Sandoval na may sugat. Tumango naman ang sundalo kasabay ng paglibot nito ng paningin sa kinaroroonan niya. Nakita niyang marami ng nakatabi roon na kinalalagyan ng gawa ni Kennedy. Malinaw na itinuro o nagbigay ng instruction si Kennedy sa mga ito kung paano gawin ang ineksperimento nito. "At naroon din ang sinasabi ninyong bata, hinanap daw nito ang ama niya pero hindi pa rin alam ng mag-biyenan kung nagkita na nga ba ang mag-ama," dugtong ni Sandoval. Nagkatinginan naman ang mga naroon. "Pero may dumating doon para i-rescue ang mga natitirang tao sa Sta. Rama. Bakit hindi sila napasama?" tanong naman ni Dr. Fernan na nakamasid lang sa ginagawa ni Dr. Belle. Hindi umimik si Sandoval. Kailangan niya nga palang malaman kung napasama ba ang mag-ama sa mga na-rescue. "Matagal pa ba ito?" tanong ni Sandoval na ang pinatutungkulan ay ang panggagamot ng babae sa kamay niya. "Hindi naman. Pero dahil may sugat na ito at hindi pamumula lang, hindi ako sigurado kung gagaling ka ba ng tuluyan. Hindi naman kasi nabanggit ni Dr. Carters kung napapagaling din ba nito kapag sugat na ang pinag uusapan," sagot ni Dr. Belle habang patuloy lang ito sa ginagawa. Hindi na umimik pa si Sandoval. Sa isip niya ay isa rin sigurong scientist, chemist, pharmacist o sikat na doctor si Kennedy dahil nakagawa ito ng panlunas at base na rin sa pagtawag ni Dr. Belle kay Kennedy bilang Dr. Carters. Hindi na niya masyadong iniisip kung gagaling pa ba siya o hindi na dahil ang iniisip nito ng mga oras na iyon ay malaman na kung kasama ba sa mga na-rescue ang anak at apo ni Kennedy. Dahil nga kalat na ang dilim sa Sta. Rama, malaya nanamang nakakagala ang mga earthworm. Kung dati ay nagsisibalikan na lamang ang mga ito sa k'weba, ngayon ay hindi na. Alerto naman ang mag-amang Gerardo at Harvey. Mula sa pagkukubli sa likod ng isang bahay, kita nila ang mga nagkalat na earthworm. Kahit na alam nilang hindi sila gagalawin ng mga ito, pinili ni Gerardo na 'wag pa ring lumitaw o magpakita sa mga ito bilang pag-iingat na rin. Sina Kennedy at Alpha naman ay nakahanap ng maaaring maipambalot sa katawan nila bilang proteksiyon sa mga earthworm. Jacket at jogging pants na nahanap lang nila sa isa sa mga bahay na pinasok nila. Ang sapatos naman nila ang nagsilbi ng sapin nila sa paa. Mananatili na lamang sana sila sa loob ng bahay nang makita nilang may mga naggagapangan at nag-aakyatan sa dingding ng bahay na mga earthworm. "We need to get out of this house," sabi ni Kennedy nang mapansin na dumadami ang mga earthworm sa loob ng bahay na iyon. Agad nga silang nakalabas bago pa man dumami ang mga earthworm na naroroon. Sa paglabas nila ay may mga nagkalat naman na mga earthworm sa daraanan nila. Nagkatinginan sila at tila nagkaintindihan na tutuloy pa rin sila. Sinubukan nilang maiwasan ang mga earthworm, pero dahil may pagkamakitid ang daanan nila bago pa makarating sa pinakalabas mula sa bahay na pinasok nila, hindi naiwasang may mga naaapakan silang mga earthworm. Ang iba na sadyang maliliit pa ay natitiris ng mga sapatos na suot-suot nila. Ang iba naman ay nadadaplisan nila ng apak at napuputol. Minsan naman ay may mga magtatangkang gumapang sa paa nila pero pilit nilang ipinapadyak ang mga paa nila upang mahulog ang mga ito. Hanggang malagpasan nga nila ang kipot ng daanang iyon. "If sun is our only way to escape from those creepy earthworms, we need to do something Alpha," saad ni Kennedy nang makarating sila sa labas na mismo. Nakatingin ito sa ilang mga earthworm na nasa iba't-ibang parte ng daanan doon. "What do you mean, Dad? Wala naman ho tayong laban sa mga earthworm na iyan. Ang kailangan natin ay makaalis dito kasama ang mag-ama ko. Sana lang ay ma-inform agad tayo ng sundalong iyon kung nakaligtas na nga ba ang mag-ama ko," sagot naman ni Alpha. "We're not sure about that Alpha. That's why we need to do something. We'll be dead soon if we're not going to do anything," ani Kennedy. "Pero ano hong magagawa natin?" tanong ni Alpha sa tonong nawawalan na ng pag-asa. "The houses," maikling sagot naman ni Kennedy. Tumingin rin si Alpha sa mga bahay na tinitingnan ni Kennedy. Kumunot ang mga noo ni Alpha na nagsasabing hindi pa rin nito makuha ang ibig sabihin ng matanda. "Tomorrow, as the sun rises, we need to burn all the houses here in Sta. Rama," anito. "What Dad?" lalong pinangunutan ng noo ni Alpha ang matanda. "That way, there will be no more shelter for earthworms to protect themselves against the sun," patuloy lang ni Kennedy. Saka pa lamang napagtanto ni Alpha ang nais mangyari ng matanda. Sa sandaling wala na nga namang masisilungan o matataguan ang mga earthworm paglabas ng araw, maaaring iyon navrin ang maging katapusan ng mga ito. Dahil base sa sinabi noon ni Harvey savkanya, maaaring mamatay ang mga earthworm sa pamamagitan ng init at kahit matinding sikat ng araw. Maaaring hindi lahat ay mawawala sa loob lang ng isang araw, nguni't magbibigay pa rin iyon ng panibagong pag-asa sa kanila. At kaya rin sinabi ni Kennedy na sa paglabas ng araw nila susunugin ang mga bahay, ay upang walang mga earthworm na magtatangkang lumapit sa kanila sa kataasan ng araw. "But the trees can still save the earthworms. We'll do this only so that we can still have enough time to find Gerardo and Harvey. And I hope that time would be enough," muli nitong sambit. Napaisip din si Alpha, tama ang matanda. Hindi pa rin sila ganoon ka-safe dahil mga bahay lang ang mawawala. Marami pang p'wedeng taguan o silungan ang mga earthworm. Saka nito naalala ang k'weba sa likod-bahay nila. Isa pa iyon sa maaaring puntahan ng mga earthworm. Kailangan nga nilang gawin ang sinasabi ni Kennedy. Nasa panganib ang buhay nila at kailangan nilang lumaban. Nasa ganoon silang pag-uusap nang makarinig sila ng boses mula sa radyong hawak-hawak ni Kennedy. "Naririnig niyo ba ako?" Iyon ang mga katagang bumungad sa kanila. Malinaw ng iyon ang sundalong hinihintay nila. "Nandiyan ba ang mag-ama ko?" agad na sabi ni Alpha sa malakas na boses at nahawakan pa nito ang kamay ni Kennedy upang mailapit sa bibig niya ang radyong hawak-hawak nito. "Ikinalulungkot ko pero hindi sila nakasama sa mga ni-rescue," sagot ng sundalo. Nanlulumo na lamang na nagkatinginan sina Kennedy at Alpha. Bukang liwayway... Patuloy sa paglalakad sina Gerardo at Harvey sa pagbabakasakaling makahanap ng paraan para makalabas sa Sta. Rama. Nang walang ano-ano'y bumagsak si Gerardo dahil sa panghihinang nararamdaman. "Dad!" agad naman siyang nadaluhan ni Harvey. Alam ni Harvey na labis na ang panghihina ng ama dahil nga matagal-tagal na ring hindi nakaka-kain ang ama mula pa noong makulong ito sa k'weba. Agad nagpalinga-linga si Harvey at nagkataon namang may isang mini store siyang nakita sa di-kalayuan. "Daddy doon po tayo," turo ni Harvey sa ama at tinulungan niya itong makatayo at makalakad hanggang sa makarating sila sa mini store na iyon. Pumasok sila sa loob at agad pinaupo ni Harvey ang ama sa nakitang mesa at upuan sa loob. Dali-dali nitong tinungo ang kinalalagyan ng mga inumin at kumuha ng isang bote ng mineral at ilang bote rin ng juice. Sunod nitong tinungo ang kinalalagyan ng mga junkfoods at ilang sandwiches. Nakita pa nitong may isang earthworm ang gumagapang sa mga pagkain roon kaya pinili niya ang mga pagkain na hindi ginagapangan ng earthworm. Good thing is, safe pa rin ang pagkain dahil sarado naman ito at hindi ang laman ng mga pagkain doon ang mismong nagagapangan ng mga earthworm. Inilapag niya ito sa mesang nasa harapan ng ama at napangiti naman ito sa kanya. Kumain nga silang dalawa ng mga oras na iyon nang hindi pinapansin ang mangilan-ngilang mga earthworm sa loob ng mini store na iyon. Sina Kennedy at Alpha naman ay agad nagpunta sa pamilihan ng mga gas at iba pang gagamitin nila upang sunugin ang mga bahay doon sa pagputok ng araw. Dahil nga wala ng mga nagbabantay ay malaya nilang nakuha ang mga kailangan. Inihanda nila ang mga kinuha doon at inilagay ang mga ito sa isang malaking bag na nakita lang din nila doon. Nakahanda na sila sa planong pagsunog sa mga kabahayan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD