Chapter XX: Burned Memories

1296 Words
"It's time.." ani Kennedy habang tinitingala ang papatinding sikat ng araw. Tumango naman si Alpha at agad lumapit sa isang bahay saka nito sinabuyan ng gas ang palibot ng bahay na iyon. Ang iba pang katabi na bahay o malalapit ay pinag-sasabuyan na rin niya ng gas. Ganoon din ang ginawa ni Kennedy at nang matapos ay lumayo ang mga ito na may dalang tig-isang piraso ng kahoy. Nang makalayo ay saka naman binuhusan ni Kennedy ng gas ang dulo ng kahoy na hawak niya at ganoon din ang ginawa ni Alpha. Saka nila ito sinilaban gamit ang isang lighter. Nagmistula itong sulo. Ubod lakas nila itong inihagis sapat upang umabot sa isang bahay doon at mabilis namang sumiklab ang apoy. Ang ilang malalapit na kabahayan ay nadamay na rin sa sunog dahil na rin sa gas na isinaboy nina Alpha at Kennedy dito. Bahagyang nagngitian ang dalawa at saka muling nilisan ang parteng iyon para pumunta sa iba pang parte kung saan may mga kabahayan pa. "Dad, doon po muna tayo pumunta sa bahay," sabi ni Alpha kay Kennedy. "May maliit na k'weba po sa di-kalayuan mula sa likod ng bahay namin. Maaari pong pagtaguan o puntahan iyon ng mga earthworm. Sa tingin ko ay dapat po iyong maunang mawasak, kung kakayanin," dagdag pa ng babae. Agad naman itong sinang ayunan ng matanda. Samantala, nang makaalis naman sina Alpha at Kennedy ay sakto namang napadaan doon sina Gerardo at Harvey. "Anong nangyari dito?" takang tanong ni Gerardo sa sarili namg makita ang mga sunog na kabahayan. Maya-maya pa ay may ilang mga tao pa ang dumating at nagtataka rin sa sunog na naganap. Mabibilang ang mga taong kasama nina Gerardo doon ngayon at naging malikot naman ang mga mata niya sa mga taong ito. "Harvey, tara na," yakag ni Gerardo sa anak nito habang pilit iniiwasang makita sila ng mga tao. Naisip kasi nitong baka may mga galit din sa kanila sa mga taong naroon at baka bigla na lang silang kumugin. Nagpatianod naman si Harvey habang nakatingin din sa mga kabahayang nasusunog. "Tingnan niyo!" sigaw ng isang ale na nakaturo sa isang bahay na nasusunog. May mga ilang earthworm kasi ang mga nangahulog mula sa bahay na nasusunog at kumikislot-kislot hanggang tumigil sa paggalaw. Senyales na patay na ang mga ito. Mabilis namang nakalayo na roon sina Gerardo. "Get ready. Ngayong araw na natin pasasabugin ang bawat parte ng Sta. Rama. The presidents approved this," sabi ng sundalong namumuno sa mga sundalong nakatayo ngayon sa harapan niya. Sakto namang pumasok na si Sandoval sa loob. Narinig nito ang sinabi nito sa mga naroon. "May mga tao pa roon, sir. Hindi niyo p'wedeng bombahin na lang basta ang Sta. Rama," bungad kaagad ni Sandoval. "I heard that your mom is already safe, Sandoval. So wala naman sigurong dahilan pa para tumutol ka lalo pa't kapakanan ng buong mundo ang nakasalalay dito," mahinahong sagot ng kausap nito. "But sir- " "I know you're very tired Sandoval. I want you to take a rest. Hindi na kita ipapasama sa misyong ito lalo pa't hindi maganda ang iyong kalagayan," putol nito sa iba pa sanang sasabihin ni Sandoval at bahagya pa nitong sinulyapan ang kamay ni Sandoval na binalutan ng puting tela bago siya iniwan doon. "Move!" ang iniwan nitong salita sa mga sundalong naroon at nagsipag kilos na nga ang mga ito. Naiwang natitigilan si Sandoval. Hahayaan na lang ba niyang mamatay ang mga taong naging daan din niya upang mailigtas ang kanyang ina? Hahayaan na lang ba niya ang mga taong nagmagandang-loob sa kanila para makaligtas sila ng ina? Paano pa ba niya matutupad ang pangako kina Kennedy at Alpha kung wala naman pala siyang aasahang tutulong sa mga kasamahan niya? "We're here dad..." anas ni Alpha nang nasa harapan na sila ng bahay nila. Malungkot niyang tinitigan ang kabuuan ng bahay nila. Naalala niya noong mga panahong maayos pa ang pamumuhay nila. Napabuntung-hininga siya. Kung may dapat talagang sisihin sa mga nangyayari ay walang iba kundi siya. Napabayaan niya ang anak niya. "Alpha," untag ni Kennedy habang nakatingin sa babae. Alam ng matanda kung ano ang nararamdaman ni Alpha ng mga oras na iyon. Hindi tumugon si Alpha bagkus ay kinuha nito ang isang gallon ng gas at ibinuhos sa kabuuan ng bahay nila. Nakatitig lang si Kennedy sa kanya hanggang matapos ito. "Ready?" pagkuwa'y paniniyak nito kay Alpha. Tumango si Alpha at saka nga kumuha ng kahoy si Kennedy bago sila bahagyang lumayo. Tulad ng dati, binuhusan ni Lolo Kennedy ng gas ang dulo ng  kahoy at saka ito sinindihan bago niya inihagis sa nagsilbing tahanan dati nina Alpha. Napaluha ng tahimik si Alpha habang pinagmamasdan itong umaapoy. Masakit makitang tila kinakain na ng apoy ang masasayang nakaraan nila... Nang walang ano-ano'y may isang di kalakihang earthworm ang makikitang kinakain ng apoy mula sa itaas ng bahay nila. Malaki na ito nguni't hindi sinlaki ng mga naglalakihang earthworm na nakikita nila. Tila nag-uumpisa pa lang muling lumaki ang earthworm na iyon. Bigla itong bumagsak sa lupa mula sa itaas ng bahay nila, mistulang nagkakawag-kawag ang earthworm na iyon na tila nasasaktan sa apoy na bumabalot dito. Tila biglang nag-iba ang mood ni Alpha. Mula sa lungkot na mababanaag sa mga mata niya kanina ay tila napalitan iyon ng galit habang nakatingin sa malaking earthworm na nasusunog ngayon. Nakakita si Alpha ng isang nakakalat na itak sa bandang gilid ng bahay nilang nasusunog, walang pagdadalawang isip niya itong tinakbo at kinuha. "Alpha!" sigaw ni Kennedy pero hindi ito pinansin ni Alpha. Lumapit siya nang bahagya sa earthworm at hindi inalintana ang apoy na panaka-nakang napapadikit sa balat niya. Sunod-sunod na pagtaga ang ginawa niya sa earthworm habang mababanaag ang pinaghalong kalungkutan at galit sa mga mata nito. "Alpha! Enough!" pilit inilayo ni Kennedy si Alpha doon at sakto namang may nalaglag na malaking kahoy na may apoy sa p'westo ni Alpha kanina. Hindi pa rin sila masyadong nakakalayo ay bigla namang may sumabog sa isang parte ng kabahayang iyon. Marahil ay isang tangke ang dahilan ng pagsabog na iyon. Napaupo si Alpha at humagulgol. Pinabayaan naman ni Kennedy ang babae na mailabas ang sakit na kasalukuyang nararamdaman nito. Nagulantang naman ang mga natitirang tao sa Sta. Rama kasama sina Gerardo at Harvey nang may isang malakas na pagsabog ang maririnig. Napatingala ang mga taong nakatingin kanina sa mga nasusunog na bahay. May mga nakikita silang nagliliparang sasakyang pamhimpapawid sa taas. Kitang-kita nila nang ang isa sa mga ito ay may pakawalan na malaking bala at tumama sa iba pang parte muli ng Sta. Rama. Nahinuha nilang sila ang pinaggagalingan ng pagsabog. May mga napatili nang sumabog muli ang isang parte ng Sta. Rama na may kalayuan din mula sa kinatatayuan nila. "Andito pa kami!" sigaw ng isa habang winawagayway ang mga kamay nito sa itaas. Nguni't sa hindi inaasahang pangyayari, ang kaninang tirik na araw ay napalitan ng nagdilim na kalangitan at saka biglang bumuhos ang malakas na ulan. Unti-unting napatay ng ulan ang apoy na nanggagaling sa mga kabahayang nasusunog kanina. Maging si Alpha mula sa kinalalagyan nila ay natigil sa pag-iyak. Kita niya nang unti-unting maglaho ang apoy na tumutupok sa bahay nila ngayon... At dahil doon, may mga gumapang palabas na mga earthworm mula sa bahay nila pero makikitang wala na halos lakas pa ang mga earthworm na iyon. Nahuhulog lang sila at halos hindi na muling makagapang pa. Pero mula sa p'westo nila, kita nila ang mga earthworm na naglalabasan galing sa likod-bahay nila. "Ang k'weba..." wala sa sariling sambit ni Alpha. Naisip agad nito na doon nanggaling ang mga earthworm na naglabasan ngayon. "Alpha, we have to go," ani naman ni Kennedy na nahihintakutan dahil may nakasunod na rin na malaking earthworm sa mga maliliit na earthworm na naglabasan.... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD