''Huwag mong hintayin na ako pa ang magbangong sa 'yo babae!" bulalas ni Marco. Napaismid ako. Ito ang nakakainis kay Marco. Dinadaan sa pananakot. Kung hindi ko lang ito Mahal ay matagal ko na itong nilayuan. "Binabalaan kita Babae. Isa, dalawa tat---," Hindi ko na ito pinatapos sa pagbibilang. Agad akong bumangon at galit na tumingin dito. Parang gusto ko itong asakalin. "Sir, masyado mong inaabala ang aking pagtulog!" Nakatingin lamang ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak nito. Nagulat ako nang lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking noo. Inaalam siguro kung totoo ngang may lagnat ako. "Wala ka naman lagnat, aaahhh?" nakakunot-noong usal nito. "Masakit lang po ang ulo ko Sir," asar na wika ko rito. Tumitig ito ng matagal sa aking sa mukha. Para bang kina

