Diyos ko! Anong nangyayari bakit may nagnakaw ng aking pangalan? Ganoon din ang aking pagkato. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Nagmamadali akong umakyat sa kuwarto. Upang makausap si Len. Hindi ako makakatulog nito nang maayos kapag hindi ko nalaman ang totoo. Gusto ko itong makausap ng personal. Nagpalit lamang ako ng damit at nagmadaling bumaba ng hagdan hindi na akong nagpaalam kay Manang. Malapit na ako sa gate ng harangin ako ng mga tauhan ni Marco. Kaya kunot-noo na tumingin ako sa mga ito. "Bakit kuya?" tanong ko na may pagtataka. "Miss! Saan po ba ang punta mo?" "Kuya day off ko ngayon kaya umalis kayo sa aking daraanan. Kailangan ko kasing mamasyal," asar na wika ko "Miss, nagpaalam ka na ba kay Lord Marco?" tanong ng lalaking kaharap ko. "Oo naman. At pinayagan nama

