“Grabe, si Alysha na naman ang nangunguna sa recit!” narinig kong sabi ng isa kong kaklase. “Pahingi ng brain cells!” “Sana all si Alysha!” Dumagdag pa ang iba. Ngumi-ngiti na lamang ako sa tuwing may komento sila sa pagiging bida ko sa klase. Alam ko naman na isa sa kanila iniisip na pabibo o pabida ako dahil palagi na lang akong natatawag o bukambibig ng mga guro. Hindi ko na kasalanan kung palagi akong nakakakuha ng matataas na grades para sa class participation kasi kung tawagin sila ay hindi naman sila makasagot kaya ako na lang ang sumasalo sa kanila. Katatapos lang namin mag-lesson sa Chemistry, ang susunod na ay Philosophy. Aantukin na naman ang mga kaklase ko maliban kay Owen, Raven, at Julian na nakakasama ko sa recitation tuwing nagdi-discuss ang teacher. Kaming apat

