It was Saturday night. Muli akong nagsuot ng dress dahil sa pinuntahan namin. Gano’n din ang kapatid ko. Pinasama kami ni Mama at Papa sa isang business gathering na ginanap sa hotel. It’s a conference, bagong pinasok na negosyo ni Mama since hindi na nagtatrabaho si Papa. Kailangan na talaga nilang mag-invest sa mga malalaking business para sa future lalo na’t dalawang magiging doktor ang pag-aaralin nila ng ilang taon. Bakit pa kasi nila kami pinipilit maging doktor? Hindi ko naman gusto ‘yon at baka hindi rin gusto ng kapatid ko ‘yon pero wala, eh. Wala silang pakialam, e ‘di nahihirapan sila ngayon. Tapos sa amin ididiin kapag hindi naging successful. Hindi ko na talaga alam tumatakbo sa isipan nila. “This is so boring,” pagreklamo ni Sammie habang nakatingin sa matandang nagsasal

