Ako ang naunang matapos mag-exam kaya naisipan ko munang magliwaliw. Matapos kong ipasa ang test paper ay pinalabas na ako ni Miss Tacuyan. Nagtungo muna ako sa restroom bago magpunta sa pavilion. Katatapos ko lang maghugas ng kamay nang biglang lumabas si Vein sa unang cubicle. Muli kaming nagkita at sa restroom na naman. “Bakit?” sambit ko nang titigan niya lang ako. Hindi pa siya umaalis. Mangyayari na ba ang paghihiganti niya? Ito na ba ‘yong eksena sa napapanood o nababasa kong fiction kapag maghihiganti na ang isang tao? Mapapamura na lang talaga ako kapag totoong nangyari ‘to sa ‘kin. Napabuntong-hininga naman siya. “I’m just curious,” malumanay niyang sabi. Hindi niya ako iniirapan ngayon. Mukhang seryoso talaga ang sasabihin niya. “Naranasan mo na bang masaktan bukod sa gin

