Bakasyon na kaya nasa bahay lang kami ni Sammie. Hindi ko pa alam kay Mama kung may iba pa kaming pupuntahan. Busy pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil may event pa silang inaasikaso na gaganapin yata sa Paris. Wala pang sinasabi si Mama sa amin kung isasama niya kami papunta ro’n. Mga damit pa naman ang inaatupag ni Mama kaya nasa fashion industry din siya. And I still can’t believe that my mother knows how to sketch, design, or draw. Mukhang nakuha ko nga ‘yon sa kanya, hindi niya man sabihin. Alam kong talent niya iyon, nakita ko na kasi ang mga gawa niya. Hindi nga lang ako pala-drawing dahil mas gusto kong magpinta. Kung p’wede nga lang sabihin, ako na lang ang magta-trabaho sa kompanya niya pero malabo na ‘yon. Naayos na lahat ni Mama at kung saan ako mag-aaral pati ang course ko

