CHAPTER 30

1657 Words

Pagkaalis ni Julian ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Matapos kong magligpit sa kusina ay umakyat na ako at naligo muna bago muling humiga sa kama. Hindi rin nagtagal ay nakauwi na sila Mama at Papa. Wala talaga akong iniwan na bakas ni Julian kaya wala silang makikita o mapapansin na may bumisita kanina. Wala namang tsismoso’t tsismosa na kapitbahay sa paligid namin kaya safe. Pagkababa ko ay sinalubong ko na sila sa sala. “Kumusta po?” tanong ko. Nilapitan naman ako ni Mama at saka niyakap. Samantalang si Papa ay nakaupo sa sofa, nagtatanggal ng sapatos. “Okay na, Anak. Hindi siya mapapaalis sa school pero ililipat na lang siya ng section, gano’n din ang mga kasama niya. Kailangan din nilang mag-community service sa loob ng dalawang buwan, every Saturday and Sunday,” tugon ni Mam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD