PERO hindi kaagad nakapagsalita si Ludgi. Tumitig ito sa kanya. Sa simula ay nahiya siyang salubungin ang tingin nito pero gusto niyang makita ang kasinserohan sa mga salita nito – kung anuman ang sasabihin nito - kaya lakas loob niyang sinalubong ang mga mata niya. “Ang hirap naman nito.” dinig pa niyang bulong ng binata. Napangiti siya. Sa gandang lalaki nito ay mataas pala ang antas ng katorpehan sa katawan nito. Napaisip tuloy siya kung nagkaroon na ba ito ng kasintahan o hindi pa dahil mukhang hindi ito sanay sa mga ganoong usapan. Hindi siya nagsalita at hinintay ang mga sasabihin ng binata. Nagpakawala ito ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Una sa lahat. Oo, sa akin galing ang mga bulaklak na iyan. Ipinabili ko iyan kay Kasandra kanina para ibigay sa iyo. Ikalawa, hindi ko

