KABANATA 33

2197 Words

KASAMANG naglalakad ni Saphira si Father Anton sa paligid sa labas ng kuweba. Ang tatlong magkakapatid ay abala sa ‘misyon’ ng mga ito at doon muna siya iniwan upang may makasama siya. Niyaya siya ng pari na maglakad-lakad sa paligid na pinaunlakan naman niya. Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari sa kanya hanggang mapunta sa kanyang ama ang usapan nila. “Mabuting tao ang papa mo Saphira. Hindi mo siguro nalalaman pero malaking halaga ang ibinibigay niyang tulong sa simbahan buwan-buwan.” Anang pari na nakatingin sa unahan habang marahan lamang silang naglalakad. Napangiti siya. Hindi lingid sa kanya ang kabutihan ng papa niya sa mga tao sa kanilang lugar. Pero hindi niya alam ang tungkol sa pagtulong nito sa simbahan. Kunsabagay ay hindi na siya magtataka pa, sadyang may  mabuting

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD