KABANATA 34

2036 Words

NAKATUTOK ang mga mata ni Ludgi sa isang maliit na ATM machine sa bayan ng Sitio Kwatro. ATM iyon ng isang rural bank sa siyudad na iyon. Katanghaliang tapat at mainit na mainit ang sikat ng araw. Bibihira ang nasa labas at sa kalsada sa ganoong oras. Walang mag-aakala na may magaganap sa mga susunod na sandali. Nasa kabilang bahagi siya ng kalsada at nakatago sa gilid ng isang maliit na establishimyento. Nakasuot siya ng itim na cowboy hat, itim na tshirt at itim din na pantalon. Natatakpan ng itim na tela ang buong mukha niya at tanging ang mga mata lamang niya ang nakalitaw. Sumulyap siya sa gilid ng bangko. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo doon. Nakasumbrero ito ng kagaya sa kanya subalit makulay ang suot nito. Nakayuko ang lalaki at nang bahagya itong mag-angat ng mukha ay m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD