MALAKAS na tawa ang narinig ni Saphira mula kay Kasandra. Iyon ay dahil ni isa man sa mga kutsilyong ihinagis niya ay wala man lang natamaan sa kanyang target. Gamit ang throwing knives ay sinusubukan niyang alamin kung may kakayahan din ba siyang patamaan ang target sa pamamagitan ng paghahagis ng maliliit na kutsilyo. Pero mukhang wala siyang talento pagdating sa ganoong bagay. Siguro ay dapat nalang siyang makuntento sa talento niya sa pagbaril. Bukod kasi sa kung saan-saan tumatama ang inihahagis niya ay muntik pa niyang matamaan si Laurens na nananahimik sa isang tabi. Napapasimangot na umalis siya sa gitna at lumapit kay Ludgi na ngingiti-ngiti lang. "Turuan mo ako mamaya ha." nakangusong paglalambing niya dito saka ikinulong ang sarili sa bisig nito. Niyakap naman siya nito at

