ANG SALITANG madalas ipaalala ni Ludgi kay Saphira na huwag nitong uulitin ang pagpasok sa isang establishimiyento para mang-holdup ay mukhang hindi mangyayari dahil sa isang hindi magandang balitang dala ni Laurens sa kanila kinabukasan. Halos katatapos palang nilang mag-agahan ng humahangos na dumating si Laurens. Kapapasok lang ni Saphira sa loob habang si Ludgi ay magsisimula naman para sa mga gawain sa kubo. “Kuya Lud! May kailangan kang malaman.” Simula nito eksaktong makalapit sa kanya. Bumagal ang lakad niya habang papunta siya sa likod ng kubo. Plano niyang maglinis sa paligid upang mas maging maaliwalas doon. Sumunod sa kanya ang kapatid. “Anong kailangan kong malaman?” pantay niyang tanong. Sa halip na sumagot ay may inumang itong isang papel sa kanya. Napatingin siya sa pu

