PAWIS NA PAWIS na bumalikwas ng bangon si Saphira mula sa isang masamang panaginip. Pero may sumalubong sa kanyang katawan na biglang yumakap sa kanya. Nanginginig pa rin siya at tila wala sa sariling yumakap din dito. “Tahan na mahal… huwag ka nang matakot…nandito ako.. nandito lang ako….” anang boses ng nakayakap sa kanya. Sumigok-sigok siya. Humigpit ang yakap niya dito. Sandali niyang kinalma ang sarili at nang mahimasmasan ay nagsalubong ang mga kilay niya. Biglang tumimo sa kanyang isip kung sino ang may-ari ng katawang niyayakap at yumayakap sa kanya ngayon. Bigla siyang kumalas dito at mabilis na lumayo. Kung parte iyon ng panaginip niya ay hindi niya alam. Mabilis niyang sinindihan ang lampshade na nasa tabi ng kama niya. Bahagyang nagliwanag ang loob ng kanyang kuwarto at tuma

