KABANATA 59

1229 Words

LUMALA pa ang nararamdaman niyang sama ng loob ng maging bisita niya sa mansiyon si Ava ng sumunod na araw. Ayaw sana niya itong harapin pero nagpumilit itong kausapin siya. Wala si Ludgi doon ngayon at hindi niya alam kung nasaan ito. Inisip pa nga niyang magkasama ang dalawa pero mukhang hindi dahil naroon ang babae. Ano naman ang kailangan sa kanya ng babae? Nagtagpuan niya ang sariling kinakausap ang babae sa hardin ng mansiyon. Ilang sandaling nakabibinging katahimikan lamang ang namagitan sa kanila. Sa tingin niya ay nag-aalangan ang babae sa kung anuman ang gusto nitong sabihin kaya siya na ang unang nagsalita. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Hindi kita kilala. Hindi ko alam kung bakit pinuntahan mo ako dito. Ano ang kailangan mo sa akin?” wala sa plano niya ang magtaray

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD