KABANATA 58

1483 Words

NAINIP si Saphira sa paghihintay kay Ludgi habang nasa loob siya ng kuwarto sa kinaroroonang ospital. Iyon ang araw na lalabas siya at masaya siya dahil sa hasyenda na ang tuloy niya. Sa wakas ay makakauwi na siya sa totoong tahanan niya. Dahil nainip ay ipinasya muna niyang lumabas ng silid at maglakad-lakad sa paligid. Sa labas nalang niya sasalubungin ang kasintahan. Dumaan siya sa hallway at dahil nasa ikatlong palapag siya ay kita niya ang paligid sa labas. Habang naglalakad ay tumingin siya sa ibaba sa gilid ng ospital kung saan naroon ang isang hardin. Sa pagmamasid niya ay dalawang bulto ang nahagip ng kanyang paningin. Nagsalubong ang mga kilay niya ng makilala si Ludgi na siyang nagmamay-ari ng isang bulto. Kasabay niyon ang pagpitik sa kanyang dibdib ang isa pang bulto – si Ava.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD