“AVA…” aniya ng tuluyan itong makalapit sa kanya. “Hindi ka dumating. Naghintay ako.” Sa halip ay sabi nito.Iyon ang naging bungad nito sa kanya. Tumikhim siya. “Sinabi ko na sa iyong hindi na ako darating.” Ilang segundo itong natahimik bago muling nagsalita. “Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?” nasa tono nito ang pakiusap. “Ava.. nandito sa ospital si Saphira ---.” “Alam ko. Kaya dito ako nagpunta. Nabalitaan ko ang lahat ng nangyari at may nakapagsabi sa aking nandito kayo. Gusto lang sana kitang makausap. Pakiusap, hayaan mong sabihin ko sa iyo ang lahat ng nais kong sabihin sa iyo noon pa man…” Muli ay nagtalo ang isip niya kung pagbibigyan ito. Pero marahil ay dapat nga niya itong kausapin hindi dahil sa anupaman kundi para sa ikakatahimik na din nilang pareho. Para m

