DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Saphira. Unang tumambad sa kanya ang puting kisame. Napakurap-kurap siya. Nasa langit na ba ako? Cliché niyang tanong sa sarili. Nang makaamoy siya ng kung ano. Sumighot-singhot siya. Amoy gamot ba dito sa langit? Nagsalubong ang mga kilay niya. Saka niya natanto na wala pa siya sa langit. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay nakita niya si Ludgi na nakayukyok sa gilid ng kanyang higaan. Hawak nito ang isang kamay niya. Mukhang natutulog ang binata. Sandaling bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng nangyari bago siya nawalan ng malay. Tahimik siyang nagpasalamat sa Diyos dahil nailigtas siya sa mga kamay ni Kanor. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita si Ludgi na natutulog. Ayaw pa sana niyang istorbohin ang tulog nito subalit nais na niyang

