NAGISING si Saphira na ang sumalubong sa kanyang pang-amoy ay iniihaw na manok – hindi - inasal na manok. Biglang kumalam ang kanyang sikmura. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa papag. Nakatulog siya kanina pagkatapos ng tanghalian. Mas mabuti na ngayon ang pakiramdam niya kaysa ng mga nakaraang araw. Isa pang napansin niya sa sarili – hindi siya nakaramdam ng pagkabagot habang nasa kubo. Kahit wala siyang masyadong ginagawa doon ay hindi siya nainip. Pakiramdam nga niya kahit na nasa ganoon siyang sitwasyon ay nakabakasyon siya. Simula ng umuwi siya ng Sitio Tres ay wala siyang naging maayos na tulog. Ngayon nalang siya nakatulog ng maayos habang nasa kubo siya. Maaaring estranghera pa din siya sa lugar subalit pakiramdam niya ay matagal na siya doon. Siguro ay dahil mas

