NANG mga sumunod na araw ay naging laman ng kubong iyon sina Ludgi at Saphira. Hindi muna siya dinala ng binata sa kuweba. Ang nais nito ay sa kubo siya magpagaling. Maari pa din siyang pumunta sa kuweba subalit sa kubo na siya pansamantala titira. Ayon dito ay napagdesisyonan ng mga kapatid nito at ng binata na mas mainam kung hindi siya masyadong lantad sa mata ng maraming tao na sinang-ayunan niya. Habang nandoon siya ay napagtanto niya na ang kubong iyon na hide out ng magkakapatid ay nasa gitna ng gubat. Iyon din ang kubong pinagdalhan sa kanya ng magkakapatid ng araw na maka-engkuwentro niya ang mga ito sa bangko. Palitan ang mga ito sa pagbabantay sa kanya doon pero ang madalas na kasama niya sa gabi ay si Ludgi. Kagaya ng unang gabi niya doon, sa silid siya natutulog at ito ay

