“ANO ba talaga nangyari sa iyo? Bakit gabing-gabi na ay nasa galaan ka pa? Diba magkasama lang tayo kanina sa Hardin?” magkakasunod na tanong ni Kasandra sa kanya habang sinusuri nito ang katawan niya. Napaigik si Saphira ng mahawakan nito ang sakong niyang mukhang napuruhan ng matapilok siya. Nang sipatin niya ang sakong ay mga pasa na iyon. “Pasensiya na...” Napapangiwing turan ng dalaga. Bumalik siya sa pagkakasandal sa dingding. Sa papag siya nakapuwesto habang sinusuri siya ni Kasandra. Hindi niya alam kung bakit ang babae ang dumating doon para tumingin sa kanya. “Hindi kasi ako makatulog kanina. Medyo hindi kasi ako sanay matulog sa matigas.” Nahihiyang pag-amin niya. “Aaahhh…” tatango-tangong usal nito sabay mapanuring tiningnan siya nito. “Anak mayaman ka ba?” “Ha?” napama

