KABANATA 25

1880 Words

NAKATITIG si Ludgi kay Saphira na nakahiga sa papag habang wala itong malay. Hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang itsura nito kaninang nasa hukay ang dalaga. Kahit ang nakita niyang paghihirap sa mukha nito sanhi ng mga masakit sa katawan nito na marahil ay tinamo nito sa pagkakahulog sa hukay ay hindi niya kayang ilarawang diwa. Alam niyang nasaktan ito kaya inaatake siya ng matinding sundot ng kunsensiya ng mga sandaling iyon. Hindi niya mapapatawad ang sarili oras na mayroong mangyaring hindi maganda sa dalaga. Hindi sa anupaman subalit simula ng mapunta ito sa poder nila ay naging kargo na nila itong magkakapatid. Nangako silang walang masamang mangyayari dito pero dahil sa kapabayaan niya ay hayun ang napala ng dalaga. Walang malay sa harap niya at tila hirap na hirap sa nakikita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD