"WOW! Ang ganda-ganda naman! Kailan pa ito nagkaroon dito?" pumalatak si Saphira ng makita ang malaking pagbabago - kumpara sa dating itsura ng maliit na silid na iyon - sa nag-iisang silid sa kubo. Bumakas ang katuwaan sa kanyang mukha at nanlalaki ang kanyang mga mata habang inililibot ang tingin sa loob. Nawala na ang mahabang sofa na talagang inirereklamo niya kapag inuupuan niya. Napalitan iyon ng double size na kutson na nasa ibabaw ng mukhang bago ring kama na hindi man kasing lambot ng mga kama sa kuwarto niya ay masasabing masarap nang higaan. Maayos at maganda ang bed sheet niyon at may apat na unan na tila kaysarap yakapin. May kurtina na din sa bintana na lalong nagpaaliwas ng silid. Sa tabi ng kama ay naroon ang isang maliit na lamesitang malinis na ngayon na dati ay napupuno

