"Ang Nanay mo lang naman ang pumatay sa mag-ina ko!" singhal niya sa akin. Tila yumanig ang mundo ko dahil sa narinig. "A-Ano?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. "I know you heard it loud and clear." Natahimik ako sa sagot niya. Napailing ako at napayuko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig. Alam kong hindi magagawa ni mama 'yon. Takot nga yun sa dugo eh kaya imposibleng nagagawa ni mama yun sa mag-ina niya. Tsaka isa pa wala siyang ebidensya! "Paano ka nakasisiguro nga yung mama ko nga ang pumatay sa mag-ina mo? Kilala ko ang mama ko and I know hindi niya kayang gawin 'yang sinasabi mo!" singhal ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at sinampal. Natigagal ako sa ginawa niya at pilit nilabanan ang mga luhang namumuo na sa aking mga mata. Kahit kailan hindi pa ako nakatikim ng samp

