"Arghh!" tili ko nang itulak ako nila. Buti nalang nagawa kong ibalanse ang katawan ko, muntik ng masaktan si baby. Napahawak ako sa tiyan ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Nandito kami sa likod ng bahay. I can't help but feel nervous lalo na sobrang dilim ng paligid. Napapalibutan ito ng mga malalaking puno. Parang nasa Conjuring 1 ang ambiance ng lugar kaya kinalibutan ako. Napatigil ako sa pagmamasid nang nakaamoy ako ng masangsang na amoy. Nabaling ang paningin ko sa harap at di ko man lang napansin ang balon na narito and I think nandito galing ang masangsang na amoy. Dahan-dahan akong lumapit sa balon at tiniis ang di kaaya-ayang amoy. Nang makalapit ako ay agad kong sinilip ito at bumaliktad ang sikmura ko sa nakita. Chopped bodies are in there, instead of water ang nas

