Nag-igting ang mga panga niya nang nawalan ng malay ang kanyang Luna at nandilim agad ang paningin niya nang makita ang mga sugat nito. Malalim ang mga sugat nito at madami. Sumikip ang dibdib niya sa nakita dahil hindi man lang niya naabutan ito agad. Pumikit siya upang pigilan muna ang galit na nararamdaman at para na rin hindi siya mawalan ng control sa kanyang lobo kasi pati ito ay nakaramdam ng panibugho nang masilayan ang Luna sa ganitong sitwasyon. He checked her tummy and napahinga ng maluwag nang makitang walang kahit anong galos ang tiyan nito. He silently thank Moon Goddess for that baka hindi niya mapigilan ang sariling magwala kapag may mangyaring masama sa kanyang mag-ina. Binuhat niya ito at dahan-dahan niyang inihiga ang kanyang Luna sa puno na nababakuran ng malalaking u

