It's been 3 days pero hindi ko parin alam kung saang lupalop ako dinala ni Clayford at sa loob nang tatlong araw ay narito lamang ako sa kwarto. Hindi ko talaga feel lumabas at dahil bawal akong lumabas dahil na rin nakakulong ako sa apat na sulok ng silid na ito. Ilan beses na akong nag planong tumakas pero ayaw ko naman ipahamak ang baby sa tiyan ko. Nakahiga lang ako dito sa kwarto habang hinihimas ang aking tiyan. 3 days na rin na hindi ko nakikita si Clayford, hindi man sa namimiss ko siya or something pero nakapagtataka lang na hindi na siya nagpapakita sa akin sa kwartong ito. Dati kasi ay madalas siyang pumunta dito kahit hindi ko siya kinakausap. Napabuntong-hininga nalang ako at tumagilid ng higa paharap sa bintana na kung saan maaliwalas ang panahon. I miss you bangin. Sana ma

