"f**k! Where is she?!" singhal ni Clifford sa mga taong nandoon sa bahay niya. Kakarating niya lang sa Crenon nang nakatanggap siya ng tawag sa pinsan ng kanyang Luna na kasalukuyang nakatira sa kanila.He felt uneasy after the call kaya nagmamadali siyang bumalik sa pack niya at hindi ininda ang layo nito sa Crenon.
"W-Wala naman k-kaming napansing kakaiba dito,Alpha." natatakot na sagot ni Malou sa kanya.
"Iniwan ko lang siya saglit sa kwarto niyo upang kumuha ng pagkain dahil masama ang pakiramdam niya pero pagbalik ko ay wala na siya doon. Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko upang alamin kung nasaan siya pero wala akong makita. " singit ni Melanie, ang pinsan ng Luna niya. Nabaling ang paningin niya rito na nakaupo sa mahabang sofa nila. Kita-kitang sa mga mata nito ang pag-alala.
He released a deep sigh. Kailangan niyang kumalma upang makapag-isip ng maayos kaya he look at his Beta coldly.
"Call the trackers, tell them I want them this instance. Baka may makuha silang impormasyon. " utos niya rito na agad namang tumalima. Clifford immediately run to their room. He felt a very familiar presence in their room. He sighed and focus sa paghahanap ng mga bagay na kaduda-duda until his eyes landed on their bedside table kung saan nakalagay ang isang tasa.
Wala namang kakaiba pag titingnan ito pero naramdaman niyang may kakaiba.
He took the cup and smelled it.
Napapikit siya nang naamoy niya ang natural na amoy ng kanyang Luna.
Fuck! He really miss her.
Napatigil siya nang nag iba ang amoy. Hindi lang ito kani-kaninong amoy lang dahil pamilyar ito sa kanya. Alam niya 'to dahil ang nagmamay-ari ng kakaibang amoy ay ang taong matagal na niyang hinahanap. Napakuyom siya sa galit at pagkadismaya.
"Clayford!"
Napaupo ako bigla mula sa pagkakahiga sa kama nang biglang bumukas ang pinto. Clayford entered the room quietly habang ang mga mata nitong katulad ni Clifford ay marahang nakatitig sa akin.
They both shared the same eyes pero iisang mata lang ang nagpapabaliw sakin. Ang mga mata ni Clifford lang.
"W-What are you doing here?" tanong ko rito.
Hindi niya ako pinansin bagkus ay lumapit ito sa akin at umupo sa kabilang side ng kama.
"Here, drink this." ani nito habang nilahad nito sa akin ang isang basong gatas.
"Hindi ko kailangan 'yan baka pag uminom ako niyan ay makakatulog naman ako ulit at magigising sa isang lugar na hindi ko naman alam."
"Drink it. Kailangan mo yan lalo na't buntis ka." aniya na ikinaawang ng bibig ko.
Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib hindi dahil sa kaba kundi sa sayang nararamdaman ko ngayon. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti.
Totoo. Totoong buntis nga ako!
Sa bibig na niya mismo nanggaling 'yon dahil may kakayahan rin ang mga taong lobo na malaman ang mga ganito.
Napaluha ako sa saya. Kung sana si Clifford ang nagsabi ngayon sakin. Kung sana makita ko ang reaksyon ng lalaking mahal ko knowing na magkakaanak na kami. Kung sana narito siya sa tabi ko.
"Inumin mo na 'to." aya sa'kin ni Clayford.
"Bakit?"
Napatitig siya sa mga luhaang mata ko na mariin ring nakatitig sa kanya.
"Bakit?" tanong ko ulit sa kanya pero hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig lang ito sa akin.
"Bakit mo kailangang gawin 'to sa akin Clayford? Wala naman akong ginawang masama sayo diba, pero bakit?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.
Tinitigan niya lang ako na patuloy na lumuluha habang nakahawak parin ang aking mga kamay sa aking tiyan. Mayamaya ay umiling it sa akin at tumayo kaya mas lalo akong napaluha.
"Ganyan ka lang ba? Dinala mo ako rito na walang kamalay-malay pero sa simpleng tanong ko hindi mo man lang makuhang sagutin. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang malayo sa-"
"-Alam ko." sagot niya habang nakatalikod sa akin. Nakahawak ang isang kamay niya sa door knob ng pinto. "Alam ko ang nararamdaman mo. Alam na alam."
"Eh kung alam mo naman pala, bakit mo ako kinulong dito, ha?!" di ko na napagilan ang sarili ko kaya nasinghalan ko siya.
"Ginawa ko 'to dahil mahal kita! " sigaw niya pabalik sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"A-Ano..P-Pero-"
"Mahal kita Mae kaya ko 'to ginawa. Alam ko kung gaano kasakit malayo sa taong mahal na mahal mo dahil nararanasan ko ito mula sayo! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na nakikita kang masaya pero hindi ako ang taong nagpapasaya sa'yo? Na sana ako nalang siya sa tabi mo kasi kahit anong pilit ko sa sarili ko na itigil itong nararamdaman ko pero hindi ko kaya, Mae. Sobrang sikip ng dibdib ko na nakikita kang nakikipag-usap ka sa iba habang may magandang ngiti diyan sa labi mo habang ang mga mata ay nangingislap sa saya. Alam kong mali 'to pero sana intindihin mo naman ako." sabi niya at dali-daling lumabas sa kwarto. No words came out from my mouth. Tila na blangko ang utak ko sa sinabi niya.
Napahagulhol nalang ako bigla dahil sa bigat na nararamdaman ko pagkatapos niyang sabihin sakin yun. Ang sakit-sakit ng puso ko nang makita ang sakit sa mga mata niya at hindi ko rin naiintindihan kung bakit nasasaktan ako pag nasasaktan siya.
Napahiga nalang ako habang patuloy paring umiiyak.
Isa pa na mas lalong hindi ko naiintindihan kung paano niya ako nagawang mahalin na hindi naman niya ako masyadong kilala.
Sa panaginip ko lamang siya nakilala. Sa panaginip lang at hindi sa realidad.
Tumagilid ako ng higa at pinikit ang aking mga mata at tahimik na nanalangin na sana ay panaginip lamang ito. Na kahit man lang sa nangyayari sa akin ngayon ay ito nalang sana panaginip.