CHAPTER 7

1301 Words
"Saang ward si patient Castro?" Justin. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ng lalaking to at hiniram pa ko sa nursing station para lang samahan siya, pwedeng pwede naman niya tanungin yung patient kung sino sa kanila ang hinahanap niya. "Nasa male ward." sabi ko. Ngumiti siya lumapit sa pasyente kaya sumunod ako. Nakasunod ang mata ko sa bawat galaw niya, ang cool niya, parang gamay na gamay na niya ang ginagawa niya. "Titig na titig ka sakin, baka main-love ka." natatawang sabi niya, mariin akong napapikit upang kontrolin ang sarili kong di magalit. "Asa ka.." nakangiting sabi ko. Mahirap maging amazona sa harap ng pasyente baka matakot nga sila sakin kagaya ng sinabi ni Rochelle. He laughed. "Tara, try mo kay Sir oh, Ikaw kumuha." sabi niya at inabutan ako ng 3cc na syringe. Nagulat ako. "H-Huh pero.." "Okay lang naman sayo, Sir di ba?" nakangiting sabi niya, tumango ang pasyente kaya wala na akong nagawa at pumayag nalang din. Pagkatapos ko mailagay ang rubber sa may braso ng pasyente ay pinakapa naman sakin ni Justin ang mga ugat dito. Hinila nya ang kamay ko at nilagay sa mga part na may ugat. I stiffed. Kinakabahan ako, ito ang first time ko mag extract ng dugo sa pasyente dahil hindi naman kami allowed mag ganito. Nag aral din naman ako noon pero nakalimutan ko na kung paano tsaka hindi---- "Relax..you can do it." Napabuntong hininga ako. Kinakabahan talaga ako. "Nakita mo na ba kung saan ka kukuha?" Tanong ni Justin. kinakabahan akong tumango at pinunasan na ng alcohol ang pasyente kung saan ko sya kukuhaan bago i-ready ang syringe. "You can do it, Lucia.." Sabi niya. Huminga ako ng malalim at tsaka seryosong tumingin kung saan ako tutusok. Ilang minuto lang ay nagawa ko na ito at naging maayos naman ang lahat. "Wow! ang galing ko.." natutuwang sabi ko. Napangiti naman si Justin sa akin at inapiran ako. Pagkalabas namin sa ward ay binulungan niya ko. "Buti maayos mong nagawa kasi kung hindi, wala na siguro akong trabaho ngayon." Natatawang sabi niya, natigilan ako. "B-Bahala ka na diyan.." sabi ko at mabilis akong tumakbo pabalik ng nursing station. Sino ba namang matinong tao ang gagawa ng ganon, i-risk ba naman yung trabaho para sakin, siraulo. "Bakit bumalik kana agad, tapos na ba kayo?" sabi ni Nurse Gelyn. Tumango lang ako. "Thank you, Ma'am Gelyn. Tomorrow ulit ah." Napairap nalang ako nang marinig ko na naman si Justin na magpaalam kay Ma'am Gelyn, magkasunuran lang pala kami. Paglingo ko saktong paalis na si Justin. nag wave sya sakin at kumindat. "Woah, ano yung nakita ko?" Tanong ni Rochelle at lumapit sakin. "May something kayo nung bagong medtech no?" sabi niya, napatapik nalang ako sa noo. Si Rochelle na malisyosa. "Anong pinagsasabi mo diyan, wala no, kakakilala ko lang don sa tao." sabi ko tsaka ngumuso sa kanya. Ang babaeng to, para namang hindi niya ako kilala. "Sabi ko nga.." sabi niya tas ngumisi sakin. "Pero aminin mo, cute sya di'ba?" dagdag niya pa. Kung titingnan mo, may ibubuga naman talaga siya. Kahit ipagdikit silang dalawa ni Yv-- Yvo.. Nakabalik na kaya yon sa Cavite? Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi niya. Lalabas kami pagbalik niya. Napabilang ako sa kamay ko, ilang days nalang ba? "Isa..dalawa..tatlo..apa--tama, tatlong araw nalang pala." Napayuko ako sa may mesa at pumikit. "Sana mag monday na agad.." bulong ko, natigilan ako bigla. Bat naman hinihiling ko agad mag Monday? Para makita si Yvo? Inuntog ko ng mahina ang ulo ko sa mesa nang ilang ulit upang alisin ang iniisip ko. 'Anong problema nyan?' 'Ewan ko, pag balik niyan ganyan na.' 'Baka may nangyari noong magkasama sila ni Sir Justin.' Naalala ko na naman si Yvo at mga sinabi niya kanina. Napakapit ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Si Yvo, hindi ko alam kung bakit, kahit anong iwas ko sa kanya wala pa ding nangyayari. Halos ilang linggo palang ata kaming magkakilala pero grabe na ang epekto niya sa akin, kinakabahan ako sa mga susunod pang araw baka di na kayanin ng puso ko. Kailangan ko na siguro magpacheck dahil pakiramdam ko abnormal na yung t***k nito. "Hoy!" "Ay!" Nagulantang ako nang bigla akong tapikin ni Rochelle. Nakatingin na pala sila sakin lahat, napanguso ako. "Ano na naman kayo dyan.." sabi ko. "Ano na naman bang nangyari sayo, nadidinig ka kaya namin bubulong bulong ka diyan." sabi niya habang nagpe-prepare ng mga gamot. "H-Huh? Wala nman no, pagod lang ako." sabi ko. "Aysus, pagod daw.." Nagkanya kanya silang bulungan, napabuntong hininga nalang ako. _____________ ILANG araw na ang lumipas at mas naging close kami ni Justin, siguro ay dahil na din sa hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. Aaminin kong kahit may trust issues ako, sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ko siya dahil mabait siya at masayang kasama, kahit paano nakakalimutan ko ang tungkol kay Doc H o kay Yvo. Si Yvo naman, hindi pa kami nagkikita. Extended daw ang seminar nila dahil na din sa bagyo kaya hindi pa siya makakauwi. "Lucia!" "Justin.." tawag ko, ngumiti sya sa akin. "Busy ka? Hiramin sana ulit kita sa station nyo eh." Nahihiya niyang sabi. Tumingin ako sa orasan, maaga pa naman for next checking ng vital signs at lunch. "Okay. Where to?" Ngiting ngiti siyang tumingin sa akin at nahihiyang napakamot sa ulo. "Sa Cafeteria sana.." I froze. "Bakit?" Tanong ko. Akala ko naman ay mag extract ulit sya ng dugo sa patients. "Kakain lang sana, don't worry, my treat." sabi niya. Napatango nalang ako, sobrang dami naman niyang naituro sakin at naitulong sakin ngayong week, maliit na bagay ang hinihingi nya hindi ko pa ba ibibigay? "Okay." sabi ko. Mas lumawak ang ngiti niya, parang bata siya kung umakto kaya natawa ako. Nagulat ako nang kapitan nya ang kamay ko at mabilis akong hinila, pababa na sana kami ng hagdan ng makilala ko ang isang pamilyar na bulto ng tao. Y-Yvo... Nawala ang ngiti ko at mabilis kong inalis ang kamay ni Justin na nakakapit sakin nang makita kong andon ang tingin ni Yvo. "Oh bakit?" Naguguluhang tanong ni Justin pagkatapos ay napatingin kay Yvo at ngumiti. "Good afternoon, Doc Hernandez.." Mabilis na umakyat si Yvo. "Good afternoon." malamig na sabi niya at nilampasan ako. Pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa puso ko dahil hindi niya ako pinansin. Napabuntong hininga ako at sumunod na kay Justin pababa sa hagdan. Napatingin ako sa phone ko. Wala naman syang message, kelan pa ba siya nakabalik? Sabi niya extended ang seminar nila dahil sa bagyo. _____ "BAKIT grumpy ka na naman ha?" Nagpangalum-baba ako at bumuntong hininga. "Wala naman, pagod lang siguro." sabi ko. Ang totoo ay iniisip ko si Doc H-- I mean si Yvo, sobrang sama ng tingin nya sa amin kanina ni Justin. "Siya 'yon di ba?" Naguguluhan naman akong tumingin kay Justin. "Huh?" mahina siyang tumawa. "Sabi ko, diba ayun yung kasama mo sa E.R noo---" mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Kahit kelan, maingay ka talaga no?" Sabi ko. Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya at muling tumawa. "Sabi ko na eh, alam mo halatang halata ka kanina." natatawang sabi niya. Inirapan ko lang siya at tumungo sa mesa. "Nakakainis talaga.." bulong ko. Naramdaman ko naman ang marahang paggulo ni Justin sa buhok ko. "Chill ka lang, hindi naman siya mukhang galit eh." sabi niya. Nabuhayan ako ng loob at tumingin sa kanya. "T-Talaga?" Tanong ko. "Oo, kasi galit na galit siya." natatawang sabi niya. Binatukan ko siya. "Alam mo, hindi ka nakakatulong." sabi ko. Sumeryoso naman siya bigla. "Boyfriend mo na ba sya?" Tanong niya. Umiling iling ako. "Hindi ah? alam mo issue ka talaga." sabi ko. Lumawak ang ngiti niya. "Good." Eh? Good?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD