bc

DOCTOR'S LOVE

book_age18+
47
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
opposites attract
heir/heiress
drama
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS

For Dr. Primitivo Hernandez, nothing is more important than saving lives. He's a 30-year-old general medicine practitioner currently residing at H&K Medical Hospital, where he meets Lucia Santiago, a 23-year-old passionate nursing assistant who has never been in love.

Dr. Primitivo never thought he would fall for someone at first sight, but Lucia seems distant and uninterested in him. Determined to win her heart, he came up with a plan.

Will he be able to capture Lucia's heart, or will fate have other plans?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Napabalikwas ako sa higaan nang tumunog ulit ang alarm ko. Alas syete na ng umaga ngayon at alas otso naman ang oras ng pasok ko pero dahil nga sa may kalayuan ang ospital sa inuupahan ko ay maaga talaga ako palagi nag aasikaso. "Argh! male-late nako!" inis akong tumayo at mabilis na pumasok sa cr upang maligo at pagkatapos ay nag asikaso na ng mga kailangan bago umalis. "Alis na po ako!" sigaw ko habang nakangiting nakatingin sa litrato ng mama ko na nakasabit sa pader pagkatapos ay lumabas at mabilis na sumakay sa nai-booked kong maghahatid sakin sa ospital. Mag isa nalang ako sa buhay. Iniwan kami ng tatay ko noong 12 years old palang ako at sumama sya sa ibang babae pagkatapos ay di na nagpakita samin ng mama ko at pagkalipas naman ng limang taon, ang nanay ko naman ang nang iwan sa akin, sumakabilang buhay sya dahil sa kanser sa atay. Mahirap kung tutuusin dahil wala naman kaming kakilala sa maynila, lumipat lang naman kami dito noong natanggap ang papa ko sa isang kilalang ospital dahil isa syang magaling na surgeon sa puso. Kaya noong panahong naiwan na nila akong dalawa ay natuto akong magtrabaho sa murang edad, halos lahat ng pwedeng maging trabaho ay nagawa ko na matustusan ko lang ang pangangailangan ko sa pang araw araw. Nakapagkolehiyo naman ako kaso hanggang second year lang sa kursong Bachelor of Science in Nursing, kahit galit ako sa papa ko ay sinubukan ko pa din na pumasok sa medical field upang sundan ang yapak niya ngunit dahil magastos at hindi ko na kayang matustusan lahat ng kailangan sa school ay nagpasya nalang ako na tumigil muna at magtrabaho. Sa tulong ng kaibigan kong si Rochelle, isang nurse, nakapasok ako bilang isang nursing assistant sa H&K Medical Hospital kung saan siya nagtatrabaho. "Sh*t naman, late na ko.." bulong ko habang di mapakaling tumingin sa orasan. 15 mins na akong late, panigurado ay pagagalitan na naman ako ng senior ko. "Dito nalang po. Salamat!" Sabi ko sa driver, pagkatapos ko magbayad ay mabilis akong nanakbo dahil medyo malayo layo pa ang lalakarin ko. Halos lakad-takbo na yung ginawa ko para lang mabilis akong makarating nang may biglang mabilis na sasakyan ang muntik nang makabangga sakin. "Aray" daing ko nang mapaupo ako sa sahig. Tatayo na sana ako nang bigla akong mapaupo ulit, napangiwi ako dahil pakiramdam ko ay nabalian ako sa paa, napasama ata ang bagsak ko. "I'm sorry, di ko sinasadya, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Maputi sya, matangkad, kahit nakasalamin ay makikita mo ang singkit niyang mga mata, mapupula ang mga labi, pointed nose, maganda ang bulto ng pangangatawan at ang mas nakadagdag sa kanyang appeal ay ang itim at bagsak na bagsak niyang buhok. Napakapit ako sa dibdib ko nang mabilis na kumabog ang puso ko. "Nadidinig mo ba ko, Miss? May masakit ba sayo?" "A-Ahh.." Napabalik ako sa reyalidad. Pakiramdaman ko ay nawala ako sa ulirat nang ilang minuto. Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko. Halata sa mata nya ang pag aalala. "Look, I'm a Do----" "Okay lang ako. Pasensya na nagmamadal--oo nga pala...late nako!" Napabalikwas ako nang maalala kong nagmamadali nga pala ako. Panigurado ay sesermonan na talaga ako ng senior ko nito. "Are you really okay? Nabalian ka ata." Nag aalalang tanong nya, totoo naman nabalian nga ako, pero parang mas takot pa ko sa senior/partner ko pag na-late pa ko ng sobra. Marahan akong tumango at iika ikang naglakad. Hindi ko alam kung ngiti o ngiwi ang nagawa ko dahil masakit talaga ang paa ko pag naitutuon. "W-What the..." Napasinghap ako nang bigla akong umangat sa lupa. In a short span of time, nakita ko nalang ang sarili ko na buhat ng lalaking di ko kilala. "It seems like you're just trying to be okay." Seryosong sabi niya at tumingin sakin pagkatapos ay ngumiti. "Since it's my fault. Let me carry you through the hospital." Napaiwas ako ng tingin at napakapit sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may nagliliparan sa sikmura ko at nag aakyatan ang dugo sa mga pisngi ko. "U-Uhm..o-okay.." Natahimik nalang ako bigla. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko, parang lalabas ang puso ko. "May masakit pa ba sayo, Lucia?" "H-Huh?" Napatingin ako sa nasa harap ko. Si Nurse Jen pala. "May masakit pa ba sayo bukod sa may paa mo?" Tanong nya sakin, napatingin ako sa paligid, nasa ER pala ako. Hindi man lang ako nakapagthank you sa lalaki kanina. "W-Wala naman, Ma'am Jen. " Sabi ko at luminga linga sa paligid. "Nasaan na pala yung bumuhat sakin kanina?" Tanong ko. Ngumiti sakin si Nurse Jen. "Ah, si Doc Hernandez ba? Naka duty na sya ngayon, andiyan na kasi mga patients niya. Binilin ka nya sakin bago sya umalis." Natigilan ako at di makapaniwalang tumingin sa kanya. "D-Doctor sya?" Bumungisngis si Nurse Jen. "Oo, di halata di ba? Alam mo ba lahat ng nurses dito sa E.R nainggit sayo nung nakitang buhat ka ni Doc. H.." kinikilig niyang sabi habang ako naman ay hiyang hiya dahil sa nangyari. Napahilamos ako ng mukha at pabagsak na nahiga sa hospital bed habang inexamine ni Nurse Jen ang paa ko. Doc H.. Napabuntong hininga nalang ako at pumikit. Napakamalas ko naman ngayong araw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook