CHAPTER 2

1532 Words
"Ano ba naman yan, Lucia, ano bang pinaggagawa mong babae ka." Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at nahihiyang tumingin kay Rochelle. "Sorry na Roch, hindi ko naman sadya nagkataon lang na.." Natigilan ako nang maalala ko na naman ang mukha ni Doc Hernandez. "Na ano? na sinadya mo talagang magpabangga kay Doc H, alam mo ba pinag uusapan ka na ng lahat kahit dito sa ER. Puro ka talaga kagagahan, Lucia." Sabi niya at tiningnan ang paa ko na nakabenda na ngayon, hindi naman sya malala nabugbog lang dahil sa maling pagkakabagsak ko kanina. "Hindi ko naman sinadya, nagmamadali kasi ako alam mo naman si Sir Benny ayaw niya na late ako, kaso late na ako nagising.." Paliwanag ko at masamang tumingin sakanya.."Atsaka..hindi ko sinadya na magpabunggo no, hindi ko nga alam na Doctor sya dito." depensa ko. Totoo naman. Hindi ko naman talaga alam na doctor sya dito, kung di pa binanggit ni Nurse Jen. "Oh siya, sige na, aakyat na ako don. Alam naman na ni Sir Benny ang nangyari sayo kaya di na yun magagalit. Magpahinga ka na lang muna dyan." Sabi ni Rochelle at nag aalalang ngumiti sakin. Tumango ako. "Sorry bes, nakadagdag pa tuloy ako sa trabaho mo." malungkot na sabi ko. Pabiro nya akong sinabunutan. "Kala mo naman talaga no, ayos lang yon, ako na bahala hindi naman ako busy ngayon mamaya pa ko magbibigay ng meds sa pasyente." nakangiting sabi niya pagkatapos ay nagpaalam na para umakyat na ulit sa Nursing Station sa fourth floor kung saan kami nakaduty at dadalawin nalang daw niya ulit ako mamaya. Napahiga ulit ako at tumulala nalang sa kisame. Wala naman akong gagawin. Unang araw ng duty ko ngayong linggo, minalas agad ako. Doc H.. Nasaan kaya sya? Napailing iling ako. "Bakit ko naman siya hinahanap?" Bulong ko. "Sino?" "Edi si Do- - -" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang makita ko si Doc H na nakasandal sa may pader habang nakangiting nakatingin sakin. Tumikhim ako. "Kanina ka pa ba dyan Doc?" Tanong ko. Umiling sya at hinila ang upuan palapit sakin pagkatapos ay umupo. "Kakarating ko lang. Kamusta ang paa mo?" Tanong niya pagkatapos ay chineck ang paa ko na agad ko namang nailayo. "What? I'm just checking if it's already okay. Medyo maga pa." seryosong sabi niya. tumango ako. "Nothing serious, Doc. wala naman bali sabi ni Nurse Jen nai x-ray kasi kanina at napacheck up naman sa ibang doctor. "Good to know that.." nakangiting sabi nya. Tumikhim ako.."Uhm.." napatingin sya sakin at nag aantay ng sasabihin ko. Pakiramdaman ko ay pinagpapawisan ako ng malagkit. "A-Ano.." sabi ko. Bakit ba hindi ko matuloy tuloy? He chuckled. "You know what, don't pressure yourself if you can't say it." sabi niya. "Thank you." sabi ko. Natigilan sya at maya maya ay ngumiti. wala ba syang ibang alam kung hindi, ngumiti? "You're welcome. But I think it's my fault kaya ka nagkaganyan..so I owe you something.." Sabi niya. Umiling ako sakanya at nahihiyang ngumiti. "No Doc, I'm sorry, kasalanan ko. Late na kasi ako kanina kaya nagmamadali ako." Paliwanag ko. Tumayo sya at pinatong ang kamay sa ulo ko, nilebel nya ang mukha nya sa mukha ko pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. "It's my fault too." sabi niya at tumingin sa orasan. "I have some free time later. Ihahatid kita mamaya kaya wag kang uuwi mag isa." Natigilan ako. What the hell was that? what's with him? Napakapit ako sa puso ko. A-Ano bang nangyayari sakin? ______________________________ "SEATBELT please.." "A-Ahh oo.." Sabi ko at pilit na hinihila ang seatbelt sa gilid ko pero medyo matigas sya kaya di ko mahila ng maayos. Nasa sasakyan na kami ni Doc H. Dinala niya ako dito nang naka wheelchair, although nakakahiya, dahil pinagtitinginan kami, wala naman akong choice dahil kahit sya naman ay parang wala naman siyang pakialam sa paligid. Sa totoo lang hindi naman ako dapat sasabay sa kanya kaso ayaw naman ako palabasin ni Nurse Jen dahil ang bilin daw ni Doc H ay antayin sya bago ako palabasin kaya kahit ayaw ko ay wala naman akong nagawa kun'di ang sumabay sa kanya. "Let me.." Napasinghap ako nang aksidente niyang makapitan ang kamay ko at hinila ang seatbelt. Napabitaw ako bigla dahil sa hiya. "U-Uhm.." Ngumiti lang siya sa akin at siya na mismo ang nagsuot ng seatbelt sakin. Napaiwas ako ng tingin dahil konting konti na lang ang pagitan ng mga mukha namin. "Sorry, I just need to put your seatbelt on.." Sabi niya at mabilis na umayos sa pagkakaupo. Nakita nya ata ang naging reaksyon ko. Hindi na ako umimik kaya pinaandar na nya ang sasakyan. Pakidamdam ko ay hindi sya sanay sa tahimik na atmosphere dahil hindi sya mapakali sa pwesto habang nagmamaneho ng sasakyan. "So.. your name is..?" Panimula nya. "Lucia.." sagot ko. "Lucia huh, nice name, I am Primitivo Hernandez, as you can see, doctor ako sa H&K Medical Hospital.." sabi niya at tumango lang ako kaya natahimik sya na naman sya. Ilang minuto kaming natahimik nang magsalita ulit sya. "Base on what written on your scrub suit, you're a nursing assistant?" Napatingin ako sakanya at marahang tumango. " I see.. bakit di ka nagtuloy ng nursing?" Tanong niya pa habang deretso ang tingin sa kalsada. Napabuntong hininga ako at tumingin sa may bintana. "Personal reason.." bulong ko. Personal reason huh? Financial problem, Lucia. Financial problem! Napailing nalang ako. Nahihiya naman ako sabihin sa kanya yun. Tumango tango naman sya. "Hindi ka madaldal no?" Biro niya. nahihiya akong ngumiti. "I'm sorry, Doc." sabi ko nalang dahil hindi ko din naman alam kung paano ko sya kakausapin o kung paano ko sya ia-approach. "Anyways, saan pala dito ang bahay mo?" Tanong niya habang busy sa pag dadrive. "Pangatlong bahay po Doc, yung may pulang gate." Sabi ko at tinuro yung apartment na tinitirahan ko. Nang makarating kami ay mabilis syang bumaba ng sasakyan upang ipagbukas ako ng pinto. "Thank you po, Doc." "So..this is your house?" Tumingin siya sa paligid. "Safe ba dito?" Tanong niya. Tumango ako. "Actually, inuupahan ko lang po itong bahay, Doc. Safe naman dito dahil ilang taon na din akong naninirahan dito." sabi ko. "I see but it's a bit far from the hospital, kaya ka pala nale-late." natatawa niyang sabi. "Anyways, I'm going. you better rest, wag ka muna pumasok bukas. I'll talk to your senior nurses para makapagpahinga ka ng maayos. Don't worry, it's on me, I'll pay for your day." Sabi niya. Umiling iling ako. "No, okay lang Doc, magpapaalam nalang po ako. Thank you so much po sa paghatid at pasensya na po sa abala." Sinserong sabi ko. "If I'm not busy tomorrow, I'll visit you." sabi niya. Bumilis ang t***k ng puso ko. "P-Para saan, Doc?" "Para ma-check ko yung paa mo. You see, its my fault too right? So I'm just taking responsibility to what happen." Paliwanag niya. "No need to pay visit, Doc, I'm fine. I'm a nursing assistant after all. I can check myself." Magalang kong sabi. He just patted my head and smile. "See you...bye." And he left just like that.. Nagkibit balikat nalang ako at iika ikang pumasok sa loob ng bahay. "What to do.." bulong ko at pumikit nang makahiga ako sa kama ko. Napadilat ako nang nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa. It was a message from an unknown number. Sino naman kaya to? "Have a goodnight sleep, Lucia. -Yvo" Yvo? Sino naman yun? Pumikit nalang ulit ako after ko mailagay ang cellphone sa side table ko. Yvo? Sino naman yun at paano nya nakuha ang number ko? Talamak na talaga ang mga scammers ngayon kaya panigurado ay nakuha din nila ang number ko. "Kainis.. ano na naman ba yon.." Napatingin ako sa phone ko nang mag ring ito. Tumatawag yung unknown number pero pinatayan ko pero tumawag ulit nakailang patay ata ako bago ko tuluyang sinagot. "Ano bang problema mo at tawag ka ng taw----" "Lucia.." Natigilan ako nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Could it be... "Doc Hernandez..?" I heard him chuckled on the other line. "Yes, it is. I got your number from Nurse Jen a while ago.." sabi niya. "S-Sorry. Bakit ka pala napatawag, Doc?" pormal na tanong ko pero walang sumagot sa kabilang linya. "Doc..andyan ka pa ba?" Tanong ko ulit. Tumikhim siya. "Y-Yeah.. I was worried because you didn't reply." sabi niya. "Oh..sorry, Doc. Akala ko po kasi kung sino yung Yvo, kala ko scammer kaya di ko na pinansin." sabi ko. He laughed. "I'm sorry. My bad, I didn't tell you that it was me. Now, you can save my number para di mo na isipin na scammer ako." sabi niya, hindi ako sumagot kaya tumikhim sya. "A-And for uhm, for you to update me about your foot." "Okay, Doc." tipid kong sabi at nanahimik na. "I see, you're okay.. I'll go ahead so you can rest." sabi niya pa hindi na ako sumagot dahil pinatay na nya ang tawag. What was that just now? Bakit nalang sobra sya kung mag alala. Kinuha pa ang number ko for updates? namaga lang naman ang paa ko at hindi naman ako napilayan o ano. Napailing na lang ako. Weird...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD