Natapos ang Sabado nang matiwasay. Walang gulo. Walang aberya. Puro tawanan at pagbati. Kinabukasan, napagdesisyunan nilang magpahinga muna. Walang site visit. Walang meeting. Walang checklist. Sa wakas, may oras si Shine para sa sarili. Maaga siyang naglinis ng kwarto—inaayos ang mga papel na nakakalat sa mesa, tiniklop ang ilang damit na naiwan sa upuan, at inayos ang drawer na halos hindi na niya nabubuksan nitong nakaraang buwan. Isang buwan. Halos café at school lang ang mundo niya. Nang matapos siya, naupo siya sa kama at kinuha ang cellphone—isang bagay na bihira na niyang mahawakan nang matagal. Pagbukas niya, bumungad ang sunod-sunod na notifications. Maraming messages mula kay Miel. “Kamusta ka?” “Busy ka pa rin ba?” “Ingat palagi.” “Reply ka naman.” Napangiti

