Pagkatapos ng tanghalian, dumeretso na sila Jiro sa café. Kasama ang Mommy niya, si Shine, at ilan sa mga kasama nila sa bahay—si Manang Ines na gustong masilayan ang pinaghirapan ng dalawa, at si Kuya Daniel na nakangiti pa habang nagbibiro na baka raw siya ang unang customer. Tahimik ang biyahe pero ramdam ang excitement. Pagdating nila sa SHINRO Café, nakatayo sandali si Shine sa labas at pinagmasdan ang signage. SHINRO Café Malinis. Elegant. May sariling karakter. “Ang ganda…” bulong ni Manang Ines. Ngumiti si Shine. “Salamat po.” Binuksan ni Jiro ang pinto at bumungad ang warm lights sa loob. Maayos ang upuan, naka-display na ang pastries, at nakaayos ang boutique corner. “Parang hindi gawa ng mga estudyante,” biro ng Mommy ni Jiro. “Students with vision,” sagot ni Jiro. Un

