Nakaalis na ang tatlong kinikilalang kaibigan ni Samantha,pati na rin ang pinsan nya. Tahimik na muli ang kwarto. Hindi niya alam kung nakakabuti ba sa kanya ang presensya ng mga ito o lalo lang siyang naiimpluwensyahan—pero sa ngayon, sapat nang may kasama siyang tumatawa at kumakampi sa kanya. Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Naalala niya ang pinag-usapan nila kanina. Oo, napakapogi ni Jiro. Malinis. Tahimik. May dating na hindi kailangang ipilit. Pero sa paningin niya— Mas lamang si Gavin. Mas may init. Mas may angas. Mas… buhay. “Hot,” bulong niya sa sarili, bahagyang napapangiti. May mga sandaling naaalala niya ang hubog ng katawan nito, ang kumpiyansa sa tindig, ang paraan ng pagtingin nito kapag seryoso. Minsan, umaabot pa sa punto na dinadala siya ng imahinas

