EPISODE 36

1522 Words

Pagkapasok ni Shine sa sarili niyang silid, agad niyang ibinagsak ang bag sa kama at napaupo sa gilid nito. Tahimik ang kwarto—malinis, maaliwalas, may malaking bintanang tanaw ang hardin ng mansyon. Huminga siya nang malalim. Ngayon lang tila bumaba ang lahat ng pagod mula sa biyahe at sa mga nangyari nitong mga araw. Biglang umilaw ang cellphone niya. Miel: “Nakauwi na ba kayo? 😅” Napangiti si Shine. Mabilis siyang nag-type ng sagot. “Oo, kakapasok lang sa room. Ikaw? Nakarating na ba kayo?” Halos agad din ang reply. “Yes. Andami ko pang ikukwento sayo pero later na. Magpahinga ka muna.” Napakunot ang noo ni Shine. “Ano ’yon?” Saglit bago dumating ang susunod na mensahe. Hindi agad nakapag-reply si Miel. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang tunog ng mga yabag sa sala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD