Samantala, habang tahimik na umaandar ang mamahaling sasakyan pauwi, nagsalita ang ama ni Jiro mula sa harap. “Hijo,” mahinahon niyang tanong, “napag-usapan n’yo na ba ni Shine kung ano ang itatayo n’yong business?” Saglit na nagkatinginan sina Jiro at Shine sa likod. “Ah… napag-uusapan pa lang po namin, Dad,” sagot ni Jiro. “May mga ideas po, pero wala pang final.” Bahagyang ngumiti ang ama niya. “Maganda ’yan. Habang bata pa, matuto nang magplano.” Napatingin siya kay Shine sa rearview mirror. “Ikaw, iha? Ano bang naiisip mo?” Bahagyang naiilang si Shine pero sumagot pa rin nang maayos. “Gusto ko po sana ng something creative, Tito. Siguro café na may art space… o kaya botique'' Tumango ang ama ni Jiro, halatang interesado. “Magandang konsepto.” Napatingin si Jiro kay Shine, may

